KABANATA 44

4.3K 111 0
                                    


Tristan POV

Papunta ako ngayon sa silid ng prinsesa. Gagawin ko to para sa kapatid ko. Sana mapatawad ako ng panginoon at ng prinsesa.

Masakit para sa akin na pagtangkang patayin ang mahal ko.

Nakita ko ang nurse na bitbit ang gamot na kailangang dalhin sa silid ng prinsesa.

Nilagay niya ang gamot sa gilid ng pinto at umalis. Dali dali akong lumapit doon at pinalitan ang gamot na kailangang ipainom sa prinsesa.

Ng masigurado ko na nalagay ko na ang lason umalis na ako doon.

-------------------------------------------------------------

Ryle POV

Papunta na ako sa silid ni shiel ng nakasalubong ko si Tristan. Nagtaka ako dahil parang hindi niya na ako nakita at dinaanan lang.

Nagkibit balikat nalang ako.

Pumasok na ako sa silid ni shiel at kita kong pinapainom na pala siya ng gamot niya.

"Hindi parin siya nagigising? "- tanong ko Kay kuya aaron

Umiling naman ito. Umupo ako sa tabi niya.

Nagulat nalang kami ng biglang itulak ni kuya ang nurse

Blaggg

"Rexs! "- tawag sa kanya ni kuya andrie at pinigilan ito.

"She's trying to poison the princess"- sigaw ni kuya at dinuro pa ang nurse.

Kita ko naman ang pagtataka sa nurse at parang naiiyak na.

"My lord hindi ko po yun magagawa.. Hindi ko po alam ang nangyayari"- pagpaumanhin ng nurse at lumuhod sa harapan ni kuya

Bumukas naman ang pinto at pumasok ang amang hari kasama ang reyna at si king shin

"Anong nangyayari dito? "- mautoridad na tanong ni king shin.

Yumuko naman kami sa kanilang tatlo upang magbigay galang.

"King shes trying to poison princess shiel"- sabi ni kiel

Nagtaka naman si king shin. Kaya nilapitan niya ang gamot at nakita kong natigilan siya

"It's true it's a poison"- sabi ni king shin.

"General deok dakpin ang babaeng yan! "- sigaw ni queen kay general deok ay tinuro ang nurse. Sumunod naman ito kaagad at kinaladkad ang nurse palabas sa silid

"Queen wala akong kasalanan... Pls queen.. "- pagmamakaawa ng nurse. Pero hindi siya pinansin ng queen hanggang sa makalabas na siya ng silid

"Kailangan nating bantayan ang prinsesa. May nagtatangkang patayin siya at sayo king shin"- sabi ni kuya rude.

Nag nod naman si king shin sa kanya.

Hindi din nagtagal nagpaalam na sila king shin na aalis na.

Napaisip naman ako. Sa sinabi kanina ng nurse. Parang nagsasabi siya ng totoo.

"I saw Tristan. Nanggaling siya kanina dito"- sabi ko sa kanila.

Napatingin naman sila sa akin.

"What do you mean? Nanggaling siya dito? "- tanong sa akin ni kuya rude. Tumango naman ako sa kanila

"May nakita kabang kakaiba sa kanya? "- tanong sa akin ni kiel.

Inalala ko naman ang expression niya kanina

"Parang hindi siya mapakali at parang hindi nga niya ako nakita na nagkasalubong kami"- sabi ko sa kanila.

Naging tahimik naman sila. At parang malalim ang iniisip

"Kailangan nating bantayan si Tristan mukhang may kinalaman siya sa nangyayari ngayon. At isa pa bakit siya manggagaling dito kung isang silid lang ang nandito at ito ang kwarto ni shiel kung nasan tayo ngayon? '- sabi ni kuya rexs.

Mukhang may hindi kami nalalaman sa nangyayari ngayon?

-------------------------------------------------------------

Tristan POV

Booggshhh pak ***

Naitagilid ko ang ulo ko dahil sa lakas ng sampal sa akin ni dad.

"Wala kang silbi... Paglason nalang sa prinsesa hindi mo pa nagawa!!!  Bullshit! "- murang sigaw sa akin ni dad.

Tahimik lang ako sa mga sinasabi niya.

"Ayusin mo to Tristan!  Kinakailangan mong mapatay ang prinsesa lalo na ang hari"- utos sa akin ni dad.

Yumuko naman ako sa harapan niya.

"Masusunod dad"- seryosong sabi ko sa kanya. Nagpaalam na ako na aalis na.

Pagkalabas ko sa silid niya nakasalubong kami ni general deok.

"Hindi ko alam na ang isang tagapangalaga ng goong family ay isang traitor"-sabi ko sa kanya.

"Wala kang alam sa totoong nangyayari"- malamig na sabi niya sa akin.

Nag smirk naman ako sa kanya.

"Ano kaya ang magiging reaction ng dating hari at reyna pag nalaman nila ang tungkol sayo? "- tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman na nagigting ang pangs niya.

"Magingat ka general deok"- huling sabi ko sa kanya at iniwan na siya doon

Kahit anong gawin mo dad. Hindi ka magtatagumpay sa binabalak mo.

-------------------------------------------------------------

General deok POV

Ng iwan ako ni prince Tristan nakaramdam ako ng galit.

Wala siyang alam. Hindi ko ginusto ang ginagawa ko ngayon. Napilitan lang ako. Para sa pamilya ko.

Kailangan ko silang protektahan Laban sa kay king goo.

Pinagbantaan niya lang akona kapag hindi ako nakipagtulungan sa kanya mapapahamak ang pamilya ko.

Nagsimula na akong pumasok sa silid ni king at nagbigay galang sa kanya.

"General deok"- tawag niya sa akin.

"Ano po yun? "- tanong ko sa kanya.

"Gusto kong patayin mo si Tristan kapag bumaliktad siya sa atin"- biglang sabi niya.

Tila nagulat pa ako sa narinig ko

Nahihibang na ba siya?  Sarili niyang anak papatayin niya?

Baliw na siya sa kapangyarihan.

"Naiintindihan mo ba ako general? "- tanong niya sa akin.

"Masusunod po king"- sabi ko sa kanya at nagpaalam na aalis na

"Baliw na siya"- bulong ko sa sarili ko pagkalabas ko sa silid niya.

-------------------------------------------------------------

The Royal Twin: Hidden IdentityWhere stories live. Discover now