KABANATA 34

4.9K 127 1
                                    


Shinji POV

Dinala ako ni master sa kwarto niya. At kung gaano ka dumi ang silid aklatan niya kabaliktaran naman ang kwarto niya.

"Ano bang iniisip mo? "- tanong na may halong galit na sabi sa akin ni master

Nginitian ko nalang siya. At mukhang nainis pa lalo

"He he... Master nandito na ako oh!  Papanindigan ko na to"- sabi ko sa kanya. Napahilot siya sa sintido niya.

"Paano yan. Pinapahanap ka napala ng reyna at hari. Nako pagnakita ka nila lagot ka sakanila"- sabi niya sa akin. Napangiwi naman ako.

"Saka nga pala kamusta ang kakambal mo. Ang prince? "- tanong niya sa akin. Napasimangot naman ako dahil sa tanong niya. Kita niyo na pagusapang si shin ang galang galang niyang tawaging prince pero pag ako.

Tsk!

"Ewan ko don. Segurado ako puro sermon yun kila mom.. Prrfftt... "- natatawang sabi ko sa kanya.

Boink.***

"Aray!.... Puot* master naman masakit kaya kung bumatok ka... Pakiramdam ko naalog yata utak ko"- sabi ko sa kanya habang hinihimas ko ang ulo ko

"Ayusin mo to shiel. Malapit nang kurunahan ang prince dapat nandon ka. At isa pa ganap na kayong Malaya sa oras nayun"- sabi niya sa akin.

"Smile *** wag kayong mag alala master nangako po ako Kay shin na babalik ako bago ang kaarawan namin at pagkurona sa kanya"- nakangiti kong sabi Kay master.
Napatango naman siya sa akin.

"Halika kana. Bumalik na tayo sa silid aklatan. Baka kung ano na ang ginagawa ng mga kaibigan mo"- nailing nasabi niya. Napatawa naman ako dahil don.

-------------------------------------------------------------

Rude POV

Ng makaalis na sila shinji at master lin. Napatingin ako sa mga aklat dito.

"Paano kaya nakaya ni master lin na hindi linisin to? "- biglang tanong ni maximo

"Seguro sadyang tamad lang siya. O walang time"- sagot naman sa kanya ni jake

"I wonder paano kaya niya tinuturuan si shinji noon para maging malakas ngayon.?"- tanong ni ryle

"Naiisip ko palang mukhang mahirap na"- nakangiwing sabi ni aaron

"The books? "- napatingin kami Kay andrie nang magsalita siya habang nakatingin sa mga libro sa book shelves

"Anong pinagsasabi mo drie. May ano diyan sa libro e lumang Luma na yan? "- tanong ni chris sa kanya. Nakita namin na may kinuha siyang isang libro at pinakita sa amin.

"The books is not ordinary books. Mga libro ito tungkol sa pakikipaglaban. Mga uri ng tiknik kung paano gumamit ng tamang mga sandata at iba pa"- sabi niya sa amin.

"O.O what the hell"- gulat na sabi ko. Seriously?

Kumuha ako ng isang libro at tinignan ito. Tama nga siya.

"Wow!  San kaya to kinuha ni master lin? "- biglang tanong ni kiel

"Haha.. Hindi ko yan kinuha sa kong saan. Ako mismo ang sumulat ng mga yan"- napatingin kami sa likuran namin at doon nakita namin so master lin at shinji na nakangiti sa amin.

"Totoo? "- tanong ni ryle

Napatango naman si master lin sa kanya. Kumuha ito ng isang libro at hinipan ang alikabok. Binuksan niya ito at parang binabasa

"Na tatandaan ko pa noon. Na kinulong mo ako dito sa silid na ito at pinabasa sa akin ang lahat ng aklat na nandito"- sabi ni shinji.
Hindi naman kami makapaniwala sa sinabi niya.

"Fck!  Hindi ka nagbibiro? "- tanong ni Jake Kay shinji.

"Hahaha.. Bakit naman ako magbibiro?.. Totoo ang sinasabi ko"-sabi ni shinji.

"Gusto niyo bang pumunta kung saan nagsasanay dati si shiel? "- biglang tanong sa amin ni master lin.

Napatango kami sa kanyang lahat na ikinatawa nilang dalawa

"Sundan niyo ako"- utos sa amin ni master lin. Sumunod kami sa kanya at pumasok kami sa isang pinto. At pagkalabas namin hindi kami makapaniwala sa nakita namin.

"Papaanong? "- hindi makapaniwalang sabi ni rexs

"Wow!  Ang ganda ng lawa"- sabi ni ryle

Tama kayo ng dinig nasa harapan lang naman ang isang napakalawak na lawa at ang linaw ng tubig.

"Wala paring pinagbago. Maganda parin"- sabi ni shinji at parang mayinaalala

"Nakita niyo ang isang bahay sa gitna ng lawa. Diyan nagsasanay si shiel nung estudiyante ko pa siya.  At isa lang ang masasabi ko tungkol sa kanya. Ang tigas ng ulo niya"- sabi ni master lin.

"Hahahaha"- tawa namin.

"Master naman e"- sabi ni shinji

"O nagtatampo ka na non"- sabi sa kanya ni master lin

"Hahahahahaha"- tawa pa namin.

"Bakit hindi mo kaya akong magawang galanging matanda ka? '- napatangin ako Kay shinji ng marinig kong may binulong siya pero hindi ko marinig ang binulong niya.

"May sinasabi ka shinji? "- tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin at parang aligaga

"H-uh!  Wala "- sabi niya at nagiwas ng tingin

Nagkibit balikat nalang ako.

-------------------------------------------------------------

Shinji POV

Tangina buti hindi niya narinig. Kung narinig niya malalagot sa akin ang matangdang to.

Nagiwas ako ng tingin sa kanya pero wrong move dahil nagkasalubong kami ng tingin ni rexs na nakatingin sa akin ng seryoso.

Oh!  Anong nangyari sa isang to?

Tsk!

Tinignan ko din siya ng blanko. At nauna siyang sumuko. Napangiti nalang ako sa isip ko.

Tumingin ako kila master na kinakausap ngayon sila chris at kung ano ano nalang ang sinasabi niya tungkol sa mga Mali ko nung bata ako.

------------------------------------------------------------

The Royal Twin: Hidden IdentityWhere stories live. Discover now