KABANATA 33

4.8K 124 0
                                    


Andrie POV

Naglalakad kami ngayon dito sa bayan at katabi ko si rude. Nasa unahan naman namin sila rexs at shinji na kanina pa tahimik hindi kagaya ng sa likod namin na ang iingay.

Napatingin ako Kay shinji. Masakit para sa akin na may mahal na siyang iba. Kahit hindi niya sabihin sa akin ang nararamdaman niya. Alam kong mahal niya na si rexs. Seguro kailangan ko nading sumuko. Ako lang din sa huli ang magsisisi.

"Alam mo drie may nakalaan para sayo. Alam kong makakahanap ka din ng para sayo"- sabi sa akin ni rude.

Napatingin ako sa kanya at nginitian ko nalang siya ng peke

"Nakapili na siya. Wala na akong magagawa"- sabi ko sa kanya at tinignan ang dalawa sa unahan.

-------------------------------------------------------------

Rexskel POV

Sumulyap ako Kay shinji na tahimik lang naglalakad sa tabi ko.

Kanina ko pa siya gusting makausap pero wala akong lakas ng loob na kausapin siya.

Napabuntong hininga nalang ako. Pang ilan na ba to. Hindi ko na mabilang ang pagbuntong hininga ko.

"Shi-"-

"Rude San tayo dito sa bayan magsisimula? "- pagputol niya sa sasabihin ko. At tinanong si rude.

Tinignan ako ni rude at nagiwas nalang ako ng tingin.

"Ahmm.. Si Chris nalang ang tanungin mo shinji. Wala din akong alam diyan "- sabi ni rude at nagkamot nalang sa batok niya.

"Anong ako. Wala akong alam diyan! " sigaw ni chris

Mukhang walang patutunguhan ang ginagawa namin. Tsk.

"IKAW ANG NAGSABI NA DITO TAYO SA BAYAN MAGSISIMULA! "- sigaw ni aaron Kay chris

"OO AKO ANG NAGSABI...-" - putol na sabi ni chris dahil sumabat ka agad sa kanya si maximo
"AYON NAMAN PALA E. IKAW ANG NAGSABI KUYA CHRIS DAPAT ALAM MO. KANINA PA TAYO DITO NAGLILIBOT SA BAYAN WALA PARIN TAYONG NAKALAP NA IMPORMASYON SA PRINSESA! "- sigaw na sabi ni maximo sa kanya

"Akala ko dahil pumayag kayo may naisip na kayo"- sabi ni Chris.

Sinamaan namin siya ng tinging lahat.

"Tara na sumama nalang kayo sa akin may naisip na akong lugar"- malamig na sabi ni shinji At nauna nang maglakad.

Napatingin sila sa akin. Ako naman napabuntong hininga nalang.

-------------------------------------------------------------

Shinji POV

Parang gusto kong murahin si chris kanina dahil sa hindi niya pala alam kong saan kami tutungo dito sa bayan.

Kasalukuyan na naman kaming naglalakad. At alam kong nakasunod sila sa akin.

"Shinji San tayo pupunta? "- tanong sa akin ni ryle

Hindi ko siya sinagot pa ng makita ko ang bahay na hinahanap ko

Tumigil kami sa tapat ng pinto at nakita kong napatingin sila sa pangalan ng bahay.

"Master Lin library? '- dinig kong basa ni Josh

"Pasok na tayo sa loob"- sabi ko sa kanila at nauna nang pumasok

Pagkapasok ko. Makikita mo na kaagad ang mga aklat na lumang luma na. Nakapalibot ang mga alikabok sa loon ng silid aklatan na ito.

"May multo yata dito e"sabi ni Jake

"Shinji bakit tayo pumunta dito. Wala na yatang bumibisita dito .tignan mo nga ang mga aklat puro na alikabok at may mga sapot pa ng gagamba"- pagrereklamo ni aaron habang hinahawi ang sapot sa daanan niya.

"May binibisita lang tayo dito"- sabi ko sa kanila.

Nakita ko naman na nagtaka sila sa sinabi ko

"MASTER LIN! "- sigaw ko.

booggsshh....

Napatingin kami sa kanan ng bigla nalang may nalaglag.

"Cough...cough... Haist.. Kailangan ko na talagang maglinis"- dinig kong may nagsalita at doon nakita ko si master lin

"Mukha ngang kailangan munang maglinis master"- pagaagaw ko sa atensyon niya

Nakita kong napatingin siya sa amin na gulat na gulat.

Nginitian ko siya at tumakbo ako sa kanya sabay yakap.

"Wahhh master " sabi ko sa kanya.

"An-nong ginagawa mo dito. At sino sila? "- gulat paring tanong ni master Lin.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko at doon nakita ko sila na gulat na gulat.

"Mga kaibigan ko sila"- sabi ko Jay master.  Nagpakilala naman silang lahat isa isa.

Napatingin sa akin si master Lin at parang pinapahiwatig niya na kung may nalalaman ba sila. Umiling naman ako sa kanya.

"Ano na naman bang pinasok mong bata ka? At pumasok kapa talaga sa pag warriors? "- galit na sabi ni master lin sa akin at kinurot ang tenga ko

Napangiwi naman ako sa sakit.

"A.. Ray master mas-akit"- sabi ko sa kanya.

Ng binitawan niya na ang tenga ko. Napahawak nalang ako dito. Segurado ako na mumula talaga to

Humarap siya niya rexs at nagpakilala

"Ako nga pala si master lin. Ako ang guro ni shiel nung bata pa siya"- nakangiting sabi ni master sa kanila

"I-kaw ang master niya. Ibig sabihin ikaw ang nagturo sa kanya sa pakikipaglaban? "- tanong ni josh

Tumango nalang sa kanya si master

"Galing... "- sabi niya pa.

"Bakit nga papa kayo nandito? "- tanong ni master

"Ahmm.. Wala lang po...may tatanungin yata sila e. "- sabi ko sabay turo sa mga kasama ko.

Tinignan nila ako na nagtataka

"Hinahanap kasi namin ang nawawalang prinsesa master. "- sabi ko sa kanya.

"Nawawalang prinsesa?  Nawawala ba ang prinsesa? "- tanong ni master

"Opo. Mission po naming warriors na hanapin siya"- sabi ni rude

"Eh... Hindi na-"- di na natapos ang sasabihin ni master ng magsalita ako

"Ahh.. Oo master nawawala ang prinsesa may alam ka ba kung nasan siya.? "- tanong ko sa kanya at pinandilatan siya ng Mata. Mukhang nakuha niya naman ang pilit kong pinapahiwatig sa kanya.

"Ah.. Patawad hindi ko alam e"-sabi ni master. Nakita ko naman na nadismaya ang mga kasama ko.

"Segi. Iwan ko muna kayo dito. Maguusap lang kami ni shiel"- sabi ni master at hinila na naman ang tenga ko.

Huhuhuhu.... Ang sakit na talaga.
-------------------------------------------------------------

The Royal Twin: Hidden IdentityWhere stories live. Discover now