KABANATA 29

4.8K 146 0
                                    


Shinji POV

Ngayon na ang pagsusulit at nandito na kami sa hall .

Tinatanong niyo kung anong nangyari sa mga nakaraang araw. Nako wag niyo hang alamin. Taguan ang naging kinalabasan.

Tatakasan ko ang dalawa. Tapos pagnakita nila ako. Tatakas na naman at matatago.

Tsk!

Ito ngayon katabi ko naman silang dalawa. Sa kanan si rexs sa kaliwa si andrie

At nararamdaman kong ang sama ng tinignan nilang dalawa

Tinignan ko si rude at nanghingi sa kanya ng tulong. Pero ang gago nginitian pa ako.

Napabuntong hininga nalang ako.

"OK!  Mukhang handa nakayong lahat. Sana makapasa kayong lahat at walang mapaparusahan. Bibigyan namin kayo ng 4 na oras para makasagot .simulan niyo na"- sabi ni master kai

Kinuha ko na ang panulat ko at nagsimula nang magsulat.

4 na oras. Hindi ba sobra sobra na ang oras na yun.

Tsk!

Hindi din naman nagtagal natapos na ako. Pagtayo ko naramdaman kong napatayo din ang dalawang katabi ko.

Napatingin sa amin ang lahat at Mariin kaming pinagmasdang tatlo.

Hindi ko sila pinansin at pumunta nalang Kay master kai at binigay sa kanya ang papel ko.

"Ang bilis mo ah"- sabi niya sa akin. Nagkibit balikat nalang ako sa kanya.

Pagkatalikod ko nakita ko ang dalawa na nakatayo at bitbit din ang mga papel nila.

Hindi ko na sila hinintay pa at lumabas nalang sa hall.

Bahala na sila sa buhay nila. Gusto ko munang matulog ngayon.

------------------------------------------------------------

Third Peron POV

Pagkalabas ni shinji sa hall. Mabilis siyang sinundan nila rexs at andrie pero hindi na nila ito inabutan. Hinanap nila pero hindi din nila makita.

Sa kabilang banda naman sa loob ng hall. Patuloy parin ang pagsusulit.

Si rude na may pakamot kamot pa sa ulo niya at hinahanapan ng sagot ang papel niya.

Si Chris naman naglabas ng codigo na sinulat niya sa palad niya. Kinuha niya ito sa isang tula.

Si aaron naman at ryle nagsusulyapan na parehas na walang sagot sa papel nila.

Si Josh at Jake naman mariin nilang tinignan ang papel nilang dalawa at hindi alam Kong magsisimula bang magsulat.

Si kiel at maximo naman nagpapahabaan ng leeg makakuha lang ng sagot.

Ang ibang warriors naman hindi din alam ang isasagot nila.

Ang tatlong master naman napabuntong hininga nalang sa nakikita nilang ginagawa ng mga warriors nila.

"Ang nagaral ba sila? "- tanong ni master lee

"Master Lee kahit basahin nila lahat ng libro wala silang makukuhang sagot doon. Nasakanila na ang sagot hindi lang nila alam"- sabi ni master lao

Napatango naman si master Lee sa sinabi ni master Lao

Napailing nalang si master kai.

Tinignan niya ang tatlong papel na naunang ipasa sa kanya.

Una niyang tinignan ang papel nila rexs at andrie.

"Kailangan ng palasyo ng tiwala sa sa nasasakupan niya para maging maayos ang lahat"

Basa ni master kai sa papel ni andrie. Napatango naman siya sa sagot nito. Binasa niya na naman ang papel ni rexs

"Ang tiwala ay parang palasyo. Kapag nawala ang tiwala ng mga mamayan. Mawawala din ng balansi ang palasyo dahil wala na itong naniniwala sa kanila"

Napatango din siya pagkatapod niyang mabasa yun.

Sunod niyan binasa ang sagot ni shinji na nakakuha ng atensyon niya ang sagot. Isang salita.

"Hari"

Napatingin siya sa labas at doon nakikuta niya sa bintana ng hall si shinji na natutulog sa bubong ng library

Ibang klaseng bata

------------------------------------------------------------

Shinji POV

Ngayon na Sasabihin nila master Kong sino ang mga nakapasa at kasalukuyan niyang chichek ang mga sagot namin.

Nakikita ko ang iba na kinakabahan at parang hindi mapakali sa makukuha nilang resulta

"Shinji'

Napatayo ako ng tawagin ako ni master kai.

Tinignan ako ng mga kapwa ko warriors at pareho ko nagtataka din ako kung bakit ako tinawag

"Bakit mo nasabing hari ang sagot? "- tanong sa akin ni master kai

Narinig ko naman ang bulong bulungan ng mga warriors

"Hari? '

"Bakit hari? "

"Anong ibig sabihin non? "

"Bakit hari ang sagot niya? "

Napangiti naman ako Kay master kai.

"Hari.. Isang salita na makakakuha ng atensyon nating lahat. Bakit hari ang sagot ko?  Dahil ang hari ang nasa gitna ng dalawang salita. Ang tiwala ng mga mamamayan na nasasakupan ng hari at ang kanyang tahanan na siyang palasyo. Kapag nawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa hari .walang silbi ito kahit magkaroon siya ng palasyo. Masasabi natin na hindi kailan man mawawalan ng hari ang palasyo. Na siyang nagiging pinuno ng mga nasasakupan niya na may tiwala sa kanya "- nakangiti kong sabi sa kanya

Nakita kong nakatulala ang mga warriors na nakarinig sa nagging sagot ko.

"Smile * magaling "- sabi ni master kai at nilagyan ng pasadong marka ang papel ko.

Bumalik na ako sa pagkakaupo ko.
-------------------------------------------------------------

Tristan POV

Manghang napatingin ako Kay shinji dahil sa sagot niya sa pagsusulit

Ngayon alam ko na ang ibig niyang sabihin ng mga sinabi niya sa akin sa garden

Hindi lahat ng aklat ginagamit kapag nagkakailangan ng sagot.

Tama. Sa pagunawa mo sa isang bagay ang dapat mong pagbasihan ng sagot.

Napangiti nalang ako. Ibang klase. Ang talino niya.

------------------------------------------------------------

The Royal Twin: Hidden IdentityWhere stories live. Discover now