KABANATA 32

4.9K 122 5
                                    


Shinji POV

Pagkalabas ko sa kwarto bitbit ang katana ko.

Ayaw ko silang makausap lalo na si rexs.

Akala ko mahal niya ako. Tsk tapos makikita ko siyang maykasamang babae.

Kasalanan ko naman e. Hindi ko naman kasing sinabi sa kanya ang nararamdaman ko. I love rexs. Pero wala akong lakas na sabihin sa kanya lahat yun.

Hindi ko na namalayan napadpad na ako sa kwarto kung saan tumutuloy ang babaeng yun.

Napabuntong hininga nalang ako. At bumalik nalang sa kwarto namin. Gusto ko nang matulog.

Pagkapasok ko sa kwarto namin. Nakita kong natutulog na silang lahat. Dahan dahan akong pumunta sa kama ko at nilugay ang buhok ko.

"Alam mo Kung magaling ka magtago ng sekreto pagdating sa sariling emosyon mo hindi ka magaling"- napatingin ako Kay rude dahil bigla nalang siyang nagsalita.

Tumingin siya sa akin at umupo siya sa kama niya at humarap sa akin.

"Nagseselos ka kanina? "- tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga naman ako.

"Ano pa bang magagawa ko? '- tanong ko sa kanya. Nakita kong napailing siya sa akin

"Magtapat kana kaya sa kanya. May umaasa pang isa oh"- sabi niya sa akin at tinuro si andrie.

"Hindi ko alam"- sabi ko sa kanya.

"Pagisipan mong mabuti. Baka mawala na siya ng tuluyan sayo"- sabi niya sa akin at natulog na siya muli.

Ano bang dapat kong gawin?

-------------------------------------------------------------

Ngayon nandito kami sa cafeteria kumakain at nasa harapan ko lang naman sila leila at rexs.

Katabi ko si rude at andrie sa kaliwa.

"Rexs ano gusto mo. Ito. Gulay masarap to ano... Gusto mo karne Ito"- sabi ni leila sa Kay rexs na hindi naman siya pinapansin

Katabi naman ni leila si tristan na kanina pa siya pinapatigil sa ginagawa niya.

"Leila pakainin mo nga muna si rexs"- sabi ni tristan sa kapatid niya.

"Kuya kailangan may sustansya si rexs. Balita ko mahirap ang mission niyo"- sabi ni leila.

Napabuntong hininga nalang si tristan dahil sa kapatid niya

"Smile* rexs gusto mo pa. Ito"-malanding pagkakasabi ni leila Kay rexs at hinawakan pa kamay nito

Naikuyom ko naman ang kaliwa kong kamay na nasa ilalim ng mesa. Putcha!  Kanina pa siya.

"Wag kang magpahalata"- napatingin ako Kay andrie dahil sa binulong niya sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan

Nginitian niya naman ako at hinawakan ang kamay ko sa ilalim. Kita ko sa Mata niya ang lungkot. Alam kong nahahalata niya na ako at sa ginagawa ko sa kanya nasasaktan ko siya.

Boogggshhh

Gulat kaming napatingin Kay rexs ng bigla niya nalang hinampas ang table at pabalya siyang lumabas sa cafeteria

Nagtataka akong napatingin Kay rude pero nagkibit balikat lang siya sa akin.

"Kuya excuse susundan ko lang si rexs. Baka kung anong mangyari sa kanya"- sabi ni leila at mabilis siyang umalis.

"Pagibig nga naman"- pagpaparinig ni rude. Siniko ko naman siya

"What masakit ah"- bulyaw niya sa akin. Inirapan ko naman siya at iniwan na sila don. Susundan ko lang ang impaktang leila na yun. Baka kung ano na ang ginawa niya Kay rexs. Mapapatay ko talaga siya.

Tignan niya lang. Nakakainis na siya.

Ginagalit niya natalaga ako.
Napunta ako sa fish pond at don nakita ko silang dalawa.

Kusa nalang bumagsak ang luha ko sa nakita ko. They're kissing.

Parang may kung ano sa puso ko na tumusok dahil sa nakikita ko.

Nakita kong napatingin sa akin si rexs at bigla niya nalang tinulak si leila. Umalis na ako doon at tumakbo. Hindi ko alam kong saan ako pupunta nakita ko nalang ang sarili ko sa ilog.

"Ahhhhhhhh BAKIT!! "- sigaw ko habang umiiyak

Napaupo nalang ako sa damuhan

Ang sakit pala na makita mo ang taong mahal mo na maykahalikang ibang babae. Ang sakit.

Pinunasan ko ang luha ko. Hindi... Hindi ako magpapatalo.

Ano naman ngayon kong may iba siya. Ano naman ngayon kung nasaktan ako. Hindi ako dito mawawasak. Kung siya na ang unang nagbitaw. Seguro kailangan ko na din siyang kalimutan.

-------------------------------------------------------------

Rexskel POV

Napunta ako sa fish pond at sinuntok ang puno

"Rexs! "- napatingin ako Kay liela ng bigla niya nalang akong tawagin.

Putcha isa pa to. Dahil sa kanya kaya nagkakaganito ako. Kung hindi siya dumating kasama ko sana ngayon si shinji

"Anong ginagawa mo dito?  ALIS! "- sigaw ko sa kanya. Nakita kong umiyak siya. Napasabunot naman ako sa buhok ko.

"R-exs""I said leave"- sabi ko sa kanya
Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong hinila at the next thing I knew hinalikan niya ako.

Parang tumigil ang mundo ko sa ginawa niya. Na agaw ng atensyon ko si shinji na nakatingin sa amin at gulat na gulat. Bigla ko nalang tinulak si leila

"Aww"- daing niya. Pero hindi ko siya pinansin. Nakita kong umiyak si shinji. Lalapitan ko na sana siya ng bigla nalang siyang tumakbo papaalis.

Hahabulin ko sana siya ng pigilan ako ni leila

"Rexs ano ba"- pigil sa akin ni leila

Tinignan ko siya ng matalim

"PLS!  LEILA TIGILAN MO NA AKO. LAYUAN MO NA AKO! "- sigaw ko sa kanya.

At iniwan na siya doon. Hinanap ko si shinji pero hindi ko siya makita.

"Shinji nasan kana ba? "- bulong na tanong ko sa sarili ko.

Pero hindi ko siya makita. Naisipan ko nalang bumalik sa kwarto namin. Alam Kong nandon na sila rude. Magpaplano kasi kami para mahanap kaagad ang nawawalang prinsesa

Pagkapasok ko sa loob napatingin sila sa akin.

"Hindi mo kasama si shinji? "- tanong sa akin ni ryle

Umiling naman ako sa kanya at umupo sa tabi ni andrie

"So ano plano sa paghahanap sa prinsesa? "- tanong ko sa kanila.

"Naisipan naming sa bayan muna maghanap baka may makalap tayong impormasyon tungkol sa prinsesa"- sabi ni Chris

Nag nod naman ako sa kanila. Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si shinji na walang makikitaang emosyon sa mukha niya.

Napatayo naman ako at lalapitan sana siya ng bigla siyang magsalita

"So sa bayan tayo magsisimula. Tara na para may makuha na tayong impormasyon"- malamig na sabi niya at nauna nang lumabas

Naramdaman ko naman na tinapik ako sa balikat ni rude

Napabuntong hininga nalang ako.

Kailangan ko siyang makausap. Hindi ako sanay na ganito siya.

-------------------------------------------------------------

The Royal Twin: Hidden IdentityWhere stories live. Discover now