Prologue

6.6K 81 8
                                    

Nagdesisyon akong pumasok sa mundo ng iba para makatapos ng pag-aaral.

Gusto kong makabawi sa mga taong naghirap para mabuhay ako. Para mabuo ang pagkatao ko.

PAGKATAO TALAGA? Ano 'to MMK? Puro drama?

Tsk tsk. Ayoko ng drama. Kasi ang buhay parang Selfie yan. Kailangan mong mag explore para makakuha ng magandang shot sa sarili.

Oh. Wag kayong masyadong bumilib. Alam kong matalino ako.

Oh ang taray? Yabang ni Ateng. XD

Tama na. Balik na tayo sa kwento ko.

Pinilit kong makibagay sa mundo nila. Nagpumilit ako. Sobrang nagpumilit.

Ano 'to Te? Paulit-ulit? Natatae lang?

 

Ayy sorry. Seryoso na pala.

Simula pa lang alam kong iba na ako. Iba ako sa pagkatao at katangian nila.

Ano 'to te? DYESEBEL ? TAO SILA, SIRENA KA? HAHAHAHA.

Haay Tama na nga.

Nagpursige ako. Tinanggap ko lahat ng mga sinasabi nila. Alam ko namang totoo.

Pero hindi ko akalain na hindi lang pala pag-aaral ang alalahanin ko doon. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng paghanga.

Ano ba tawag don?

KRAS?

TUNGANG TE.

CRUSH.

 

Ayy sorry.

Basta yun nga. Nakaramdam ako nga ganon. Yung para kang kinukuryente. Yung para kang natatae kapag kasama ko siya. As in Grabe talaga. Para na akong timang.

Nagtagumpay naman ako sa pag-aaral ko. Nakatapos ako at nakakuha ng magandang titulo. Pero may isang pangyayari na nagpabagsak ng pananaw at sarili ko, at yun ay nagsimula noong...

" HOY!"

 

" AY Tipaklong na walang kamay, binti at katawan!" sigaw ko. Nakakagulat naman kasi eh. Nagkukwento ako dito!

" Tulala ka dyan? Aalis na tayo!" sabi ni Nanay.

Ayy oo nga pala. May pupuntahan ako.

Teka? Nabitin ba kayo?

Hahahaha. Sorry. Kung gusto niyo malaman.

Hala sige, basahin niyo ang storyang 'to!

" Andyan na po Nay!" sabi ko at tumakbo na palabas.

See ya!

----------------

Hello po :D 

Pasensya na. Favorite talaga ni author ang Yongshin. Sorry XD 

Sana po suportahan niyo to :D 

Maganda po ang storyang to. Salamat ng marami :D 

My Girlfriend is a PROMDIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora