MGIAP-9 *BABY KO*

2.9K 108 57
                                    

Anyang's POV 

Nandito kami ngayon sa canteen.. Nakaupo na ako sa isang lamesa tapos si Dylan kumuha naman ng makakain namin. Wahahahaha. Mukha tuloy siyang alipin. >:) 

Maya maya lang bumalik na rin siya sa kinauupuan namin dala ang iba't ibang klase ng pagkain. 

O______O

Teka? Tama ba tong nakikita ko? 

May...

May....

May Steak? *O* 

Baka! Ang pinakamamahal kong BAKA ^______^ 

" Waaahh Dylan. May Steak  " sabi ko sakaniya. Hindi naman halatang masayang masaya ako ngayon no. XD

" Alam ko. Ako bumili eh" 

" Nagpapatawa ka ba?" sabat ko. 

" Hindi. Bakit mukha ba akong nagpapatawa?" 

" Hindi rin" 

" Eh anong problema mo?" giit niya. 

Okay? =___= Mukhang natalo ang lola niyo sa araw na ito. 

Nagsimula na rin kaming kumain. At tulad pa rin ng inaasahan ko. Nasa aming dalawa pa rin ang atensyon ng mga estudyante. 

" Dylan? Hindi ka ba nahihiya? Nasa atin lahat ng atensyon?" tanong ko. 

" No. Hayaan mo sila. Hindi lang nila matake ang kagwapuhan ko. Tapos malalaman pa nila na sa Promdi lang ako pumatol. Issue talaga yun" 

Aba't?! 

" Hoy. Unang una sa lahat, ikaw ang pumilit sa akin gawin to kaya wag mo kong tuksuhin!" sabi ko. 

" Hahahaha. Oo na, ang highblood" katwiran niya. 

Grabe. Ang laki nung epekto nung nangyari kanina. Simula nung magpagtanto niya na nagseselos si Trish ngiti na siya ng ngiti. Kung bakit kasi ayaw niya pang balikan agad eh. Pinapahirapan pa ako. 

" Hoy Promdi. Nga pala, stop calling me Dylan" sabi niya. 

" Bakit? Nagpalit ka na ba ng pangalan?" nagtataka kong tanong. 

" Timang. Alangan naman ako Baby ko ang endearment sayo tapos ikaw Dylan lang ang tawag sa akin" 

>_____< Ayan na naman yang baby ko na iyan. Alam mo bang hindi ako nakapag-aral kanina ng dahil dyan. Peste. Kinikilabutan ako. 

" Kadiri kasi eh. Masyadong...ewww yuuuck =___=" sabi ko habang nasusuka suka pa.

Hahahahaha. Ang lakas ko rin mang-asar eh no XD 

" Gagawin mo o aalisin ko ang sweldo mo?" 

O____O

" Hahaha. Ikaw naman, di ka na mabiro. Alam mo naman ako diba? Hahahaha. Oo na, gagawin ko na" sabi ko sa kaniya. 

Kasi naman eh. Wala namang ganyanan, wag naman niya idamay ang sweldo ko sa mga kalokohan niya. Kawawa naman ako =___= 

" Go. Itry mo na tawagin ako sa endearment natin. Para masanay ako at hindi na ako masuka kapag madalas ko na 'yang maririnig sa'yo" sabi niya. 

" Yabang nito!" 

" Dalian mo na!" 

" Eto na nga diba?!" 

My Girlfriend is a PROMDIحيث تعيش القصص. اكتشف الآن