MGIAP-7 *MAKE-OVER*

1.4K 38 2
                                    

Anyang's POV 

Pumasok na kami sa loob kaso nga lang may isang malaking salamin sa harapan ko. 

Si Sharry at Dylan nauna na. Nakapasok na sila. 

Pumasok na rin ako. 

Peroo.... 

Paikot ikot lang ako sa isang malaking salamin. Waaaahhh. Pano ba ako makakalampas dito? Hindi ako makaalis. Anong gagawin ko. Paikot ikot lang ako? 

" Ahhmmm. Shasha! Tulong naman oh. Nahihilo na ako @__@ " sabi ko. Seryoso hilong hilo na talaga ako. 

" F*ck. Ano bang ginagawa mo dyan?" sabi ni Dylan. 

" Hindi nga ako makaalis @__@ " sabi ko. 

Napansin ko rin na marami ng tao sa labas. Nakapila na sila. Waaah. Nakakahiya. Hindi sila makapasok dahil paikot ikot lang ako. 

Nakita ko rin yung mga babaeng kasama namin sa school na nanlalait sa akin. Ang kakapal ng kulay nila sa bibig. Kaderder. Ano ba sila? Payaso? May programa ba dito ng pagpapatawa? Ayos ah. Hahaha. 

Ayy teka. May problema pa nga pala ako..

" Hay friend! Ikaw talaga" sabi niya at hinila ako ng PAGKALAKAS LAKAS. 

Dahil sa pahila niya halos masubsob na ako sa sahig. Shasha!!!! 

Iniangat ko yung ulo ko at HUWAW! 

Ang ganda naman ng sahig nila dito. Sobrang linis. Halos pwede ka ng magsalamin. Tapos ang lamig lamig pa dito sa loob. 

Tinitigan ko pang mabuti yung sahig. Wow!!! Grabe sa amin semento lang tapos dito makikinang at hugis parisukat ang sahig nila. Mukha pang babasagin. Ang galing! 

Hindi niyo naman ako masisisi diba? Wala kayang ganito sa amin.  

" Hoy promdi. Tumayo ka nga dyan. Nakakahiya ka" sabi ni Dylan. 

" Ha? Eh ang ganda kaya ng sahig? Hindi ba kayo nagagandahan?" tanong ko. 

" Ahm. Friend, its so maganda naman kaso nakakahiya at pinagtitinginan ka na ng mg tao eh. Hehehe" sabi niya at hinila na ako patayo. 

" Psh. Sayang naman" sabi ko at sumabay na rin sa paglalakad nila. 

Nakakainis naman. Hindi ko man lang napagaksayahan ng oras yung sahig dito. Ang ganda ganda kaya! ^____^ 

Third person's POV 

Hi hello XD Bawas muna tayo kay Anyang. Hahahaha  

Naglakad na sila papunta sa bilihan ng mga damit. Bakas pa rin sa mukha ni Anyang ang paghanga sa mga bagay at pasilidad na nakikita niya. Kaliwa't kanan palagi ang tingin niya habang naglalakad upang wala siyang maganda at mamahaling bagay na makaligtaan. 

Halos mapasabunot na lang ng buhok si Dylan dahil sa mga kilos na ipinapakita ni Anyang. Halos lahat kasi ng madadaanan nilang tao ay tinitignan sila. 

Dumiretso na sila sa stall ng mga damit. Nanlaki naman ang mga mata ni Anyang habang nakikita ang mga damit lalo na ang presyo ng mga ito. 

" Pumili ka na" sabi ni Sharry kay Anyang.

" Ha?" tanong naman pabalik ni Anyang. 

" Pumili ka na ng kahit anong gusto mong dress " utos ni Shasha. 

" Pero hindi ako nagsusuot ng ganitong klase ng damit. Masyadong pormal " katwiran naman ni Anyang. 

" Okay lang. Kailangan mong subukan friend" 

My Girlfriend is a PROMDIWhere stories live. Discover now