MGIAP-8 *BIGLAAN*

1.6K 36 5
                                    

Anyang's POV 

Woah. Grabee, pakiramdam ko tuloy nagpaopera ako ng mukha. Ewan, parang hindi ako to. Nakakainis. Naiirita ako kapag may nadadaanan kaming salamin. Errr. Nandidiri ako sa mukha ko. Ayoko. Hindi ako to. 

Oh Anyang? Ang arte. Choosy pa? Minsan ka na nga lang makapagmake-up. Reklamo ka pa ng reklamo. 

Hahaha. Ayy sorry naman XD Atleast hindi ako katulad ni hilaw na mangga ( Trish ) , kahit may make up na. Trying hard pa rin. Ano bang nagustuhan ni Dylan dun? Yeeecckkssss =___= 

Dumiretso kami sa isang kainan dito sa mall. Nagugutom na rin daw sila syempre ako rin nagugutom na. Tsaka libre nila. Wahahaha. Makakakain na naman ako ng pagkaing pangmayaman sa araw na itooo. Wohohoho ^_____^ 

Humanap na kami ng mauupuan. Grabe,ang tatahimik ng mga tao dito. Talagang busy ang lahat sa pagkain. Tsaka mahahalata mo talagang may pera silang lahat sa porma palang nila, makikita mo na. 

Katulad nung nasa kabilang mesa, may suot na kwintas at gawa sa ginto. 

Nako ate, pag ako nangati. Nanakawin ko yan >:) 

Wahahaha. May magnanakaw palang nakapasok dito XD 

" Anong kakainin niyo?" tanong ni Shasha. 

" Kung anong kakainin niyo" sagot ko. 

" So kung kakain kami ng bubog, kakain ka rin?" naiiritang tanong ni Dylan. 

Luh? Nakikipaglokohan ba to sa akin? Wag siyang ganiyan, gutom ako ngayon. Wala akong panahon sa ganiyan. 

" Tanga ka ba? Bakit kakain ka ba ng bubog? " naiirita ko ring tanong sa kaniya. 

" Malay mo. " sabi niya. 

" Sige, gawa. Pag natapos mo. Sabihan mo ko. Gagayahin kita para di ka mukhang timang =_= " sagot ko. 

Sabi sa inyo eh, wag niyo kong gagalitin pag gutom. Baka kainin ko kaya. Graaarww =O= Hahahaha. 

" Psh. Faster. Umorder ka na Sharry para makauwi na ako" sabi ni Dylan. 

" K. Fine" sagot ni Shasha na halatang natatawa sa amin at dumiretso na kay Ate na kanina pa naglalaway sa kagwapuhan ni Dylan. Psshhh. Ano ba yan? Nagtatrabaho sa mamahaling kainan pero malantod =_= Ipakain kita sa ibon na may dilaw na ipin eh. Nakakainis =_____= 

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na rin ang mga pagkain na inorder nila. 

Huewawawawa *O* ANG SARAP. LALO NA YUNG BAKA. MUKHA TALAGANG MASARAP. 

" Sha? Ano to?" tinuro ko naman yung baka sa plato ko. 

" Steak. Friend" sagot niya. 

Owww. Steak. Mahal kita. Ang sarap sarap mo kahit na inaamoy at tinitignan pa lang kita. *______* 

Pagkatapos kong titigan ang steak, lumamon na rin ako. Grabe. Ang sarap talaga. 

Nangangalahati pa lang ako sa pagkain, pero napansin ko tapos na si Sharry. O____O Ang bilis ah. Gutom na gutom talaga siya? 

" Haay nako. Sharry, mukhang babae, bitukang lalaki. Hahaha" sabi kosa kaniya. 

Tumawa naman si Dylan. At ayun, sabay kaming nagtatawanan. Habang si Sharry tinitignan lang kami. Hahahaha. Tumingin naman ako kay Dylan. 

*Dugdug Dugdug* 

Mas gwapo pa pala siya kung lagi lang sana siyang tumatawa.  

Pagkatapos namin kumain, lumabas na rin kami ng mall. Buti hindi na ako nagpaikot ikot doon sa may exit. Ganun din kasi, malaking salamin din katulad nung sa entrance. Hahaha. Nakakahilo kasi talaga @____@  

My Girlfriend is a PROMDIOnde as histórias ganham vida. Descobre agora