MGIAP-4 *CONDO*

1.7K 43 6
                                    

Anyang's POV

Haaay nako. Maaga akong pumunta dito sa SV. Inaantay ko kasi si sungit. Nilabhan ko na kasi yung t-shirt na suot niya kahapon.

Nakakainis. Imbis na matutulog na lang ako kagabi, naglaba pa ako. Pero ayos lang! Ngayon magkakapera na ako. Muwahahahaha.

Habang nag-aantay ako, inikot ko muna ang buong SV. Wala lang, titignan ko lang yung mga pasilidad na nandito sa school na 'to.

Nung makarating ako doon sa halamanan, may nakita akong isang malaking lalagyan ng tubig.

O_____O

Grabe. Ang ganda!

Sumasabog sabog pa yung tubig doon sa may lalagyan niya.

Hindi ba sila nababahala na baka mataas yung babayaran nila sa tubig? Ang dami kayang nasasayang.

" Grabe. Ang galing" sabi ko habang manghang mangha pa rin yung mukha ko.

" Bago ka dito?" may biglang nagsalita.

" Ay mansanas na kulay itim!" sigaw ko. Nakakagulat kaya!

" Ha? Oo" sagot ko.

Whoooo. Ang gwapo naman ng nilalang na nasa harapan ko. Maputi syempre mayaman tapos ang bango bango pa.

Wow. Pwede na 'tong gawing ulam *O*

Hahahaha. Biro lang.

" Anong business ng pamilya mo?" tanong niya.

Ganun ba talaga dito? Kapag may bagong kakilala kailangan itanong kung anong pinagkukunan ng yaman ng pamilya mo? =_____=

Kumakain kami ng basura kuya =_=

" Magnanakaw ang pamilya ko" sabi ko. Hahahahaha. Bahala ka dyan.

" Magnanakaw?"

" Oo. Ulitin ko pa?"

" Ahh ehh. Seryoso ka ba dyan?"

Nakakatawa yung mukha niya. Halatang nagulat siya sa mga sinagot ko. Hahahaha. Ang tanga naman nito kung maniwala sa akin na magnanakaw ang pamilya ko.

" Syempre hindi. Hindi kami mayaman, wag kang umasa dyan. Nagtatrabaho lang yung Nanay ko sa bukid" sagot ko.

" Pero paano ka na---

" Nakapasok ako dito dahil sa scholarship. Ayos na?"

" Ahh oo. By the way, I'm Kris, Kris Fontereal " tapos iniabot naman niya yung kamay niya.

" Althea Suarez" sabi ko at kinuha ang kamay para makipagkamayan.

Ayy. May naalala ako.

" Teka nga. Anong tawag dyan?" tapos tinuro ko yung sumasabog sabog na tubig.

" Hindi mo alam?"

" Anak ng pinya naman. Itatanong ko ba kung alam ko?" =____= Kaya ko nga tinatanong diba. Tanungin ba naman ako pabalik?

" Ahh. Sorry, Fountain ang tawag dyan" sagot niya.

" Fountain?"

" Yeah. Teka? Bakit hindi mo alam?"

" Wala kasing ganyan sa amin. Kaya ayun, tinuturo naman yan sa paaralan kaso kapag nakita mo pala ng personal makakalimutan mo" sagot ko habang natatawa tawa.

Nakakamangha talaga tignan itong fountain. Siguro kung hindi ko tinanggap ang pagluwas dito sa Maynila. Hindi ko malalaman at makikita ang mga ganito kagandang bagay.

Maya maya naman bigla kong kinot ng malala yung ulo ko. Haaays, ang kati na naman ng ulo ko. Naligo naman ako ng maayos kanina ah.=_____=

" Ahm. Althea? "

My Girlfriend is a PROMDIWhere stories live. Discover now