MGIAP-2 *MVP*

2K 66 12
                                    

Anyang's POV

Nandito na ako ngayon sa tapat ng Southville. Nakasuot ako ngayon ng t-shirt at mahabang palda. Wag kayo, sa probinsya maganda ka kapag nakasuot ka nito.

Sinundo ako ni Sir Jim kanina at dumiretso kami sa Principal. Nilinaw na namin lahat para makapagsimula na ako ngayong araw. AS IN NGAYON NA TALAGA.

Syempre kahit papano kinakabahan ako. Wala akonh katiyakan kung magiging maganda ba ang buhay ko dito.

Hoooh! Eto na yon Anyang. Kapag pumasok ka sa loob, wala ng atrasan.

Wahahaha? Ano to? Pinoy Big Brother? Ang arte mo Anyang. Mag-aaral ka lang naman.

" Kaya mo yan" bulong ko sa sarili ko.

Pumasok na ako sa loob. Unang kita ko pa lang, Grabe. Mahahalata mo na, na mayayaman ang mga nag-aaral dito. Pero syempre kailangan taas-noo ako. Matalino naman ako. Kakayanin ko to.

Naglakad na ako sa hallway. Kahit papano marunong naman ako gumamit ng english terms no.

" Look Girl, is she studying here?"

" New face huh?"

" Look at her, walang class yung suot niya?"

" Mukha siyang Manang"

" How come nakapasok yan dito?"

Yan yung mga naririnig ko sa kanila habang papasok ako. Nakakainis. Sige lang, pag-usapan niyo pa ako. Pag ako nainis, tototohanin ko yung ginagawa kong pagpatay sa inyo dito sa isip ko. =____=

Maya maya habang naglalakad ako, may humarang sa akin.

" Hi ?" sabi niya.

Siya yung babae sa gilid kanina. Maganda sana siya kaso nga lang ang sam ng ugali! Isabit kita ng patiwarik eh!

" Hello " sagot ko.

" Janitress ka dito?" natatawa tawa niyang tanong.

" Ah hindi eh. Student ako dito" sagot ko sa kanila habang nakangiti. Eh bakit ba? Akala naman nila porket ganyan yung mga etching nila sa katawan ang ganda na nila. Psh. Mga peke. Porket may pera!

" What? Sorry ha? Hindi kasi halata eh" sabi niya at nagtawanan sila.

Sige lang, lubus lubusin niyo na yang pagtawa niyo sa akin.

" By the way I'm Trish " sabi niya.

" An---Althea " sabi ko.

Hindi ko na pala pwede gamitin yung pangalan kong Anyang dito =___=

" Bakit ganyan ang suot mo?"

" May mali ba?" painosente kong tanong.

" Yeah. Mukha kasing basahan. Hahahaha " sabay nagtawanan ulit sila.

Oh sige ateng makapal ang labi at kolorete sa mukha. Tawa pa, masaya ka eh =__=

" Ganun ba? Pasensya ka na ah. Akala ko kasi okay to eh"

" Okay? Are you kidding me?" nagtataka niyang tanong.

" Hindi ah. Akala ko kasi okay to. Bagay to dito. Look basahan ang damit ko, basahan ka rin. Oh diba terno tayo ^_____^ " sabi ko habang nakangiti ng malapad.

Nag- OWWWWW naman yung mga estudyante.

" What did you say?" sigaw niya.

" Maganda nga. Tanga naman. Uulitin ko pa ba?" sabi ko habang nanliliit ang mga mata ko.

My Girlfriend is a PROMDIWhere stories live. Discover now