MGIAP-5 *CONDO + FOODS*

1.5K 38 6
                                    

Anyang's POV 

Teka? 

Condo? 

Nababaliw na ba tong si Mr. MVP? 

Condo? Akala niya hindi ko alam yung mga ginagawa ng tao sa Condo.

Akala niya ba, porket probinsiyana ako. Hindi ko na alam yung mga kasalukuyang nangyayari? Ganun ba ang tingin niya sa akin? Napakasakit naman. 

Nang makarating na kami sa gusali na pupuntahan namin. Kinabahan ako. Hindi ko akalain na sa murang edad ko na ito. Mararanasan ko agad ang ginagawa ng mga tao sa Condo. 

Ito'y hindi makatarungan. Kailangan kong kumilos. Pero hindi ko alam kung paano. Sana may tumulong sa akin sakaling anong mangyari. 

Nanay,Patawarin niyo ako. Hindi ko po ginusto ang mga mangyayari. Pasensya na po talaga. 

" Promdi? Are you okay? Anong nginangawa mo dyan?" tanong ni Dylan. 

" W-wala. Ayos lang ako" pagsisinungaling ko. Pero sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Ito ang kauna unahang pagkakataon na mangyayari sa akin to. Bahala na nga. 

Pumasok na kami sa loob. Bigla naman kaming dumiretso sa lugar na may bakal at para kaming timang na nag-aantay sa di ko malaman na dahilan. 

" Huy? Sir Dylan? Para po tayong tanga dito. Nag-aantay ng ewan. Kung naghagdan po tayo kanina pa edi sana nasa taas na tayo" bulong ko. 

" Timang! Ano bang nirereklamo mo?" tanong niya. 

Paulit ulit? =_= 

" Eh kasi nga sir. Nakakahiya na. Maghagdan na tayo. Nagsasayang lang tayo ng oras sa bakal na yan. May hinihiling ka ba sa bakal na yan at kailangan nating maghintay dito?" seryoso kong tanong. 

Bigla namang bumukas yung bakal. 

" Waaaahh Sir?! Nakita niyo yon? Bumukas? Sir. Anong gagawin natin? Mukhang may espiritu na nagtatago sa loob" sigaw ko. 

Nako. Pano na 'to? May multo? Biglang bumukas yung bakal.

Waaahhh Nanay. Ayoko sa multo. 

Dylan's POV 

Para siyang timang na nag-alala dito. Eh nasa tapat lang naman kami ng elevator. Tinatamad kasi akong maghagdan. Nakakapagod lang. Psh. 

" Eh kasi nga sir. Nakakahiya na. Maghagdan na tayo. Nagsasayang lang tayo ng oras sa bakal na yan. May hinihiling ka ba sa bakal na yan at kailangan nating maghintay dito?"

That feeling na gusto mo ng matawa ng malakas sa mga sinasabi niya. Hahahahaha. Crazy promdi. Wag niyang sabihin na even this elevator hindi niya alam ang tawag. Tsss. Hahahaha. Poor promdi. She doesn't know anything sa mga bagay dito sa Manila. Ganun ba talaga siya kahirap? Tssss. Hahahaha.

Magsasalita na sana akong nung biglang bumukas yung elevator. At last, bumukas na rin =_= 

Ang tagal ah. Muntik na akong magreklamo. 

" Waaaahh Sir?! Nakita niyo yon? Bumukas? Sir. Anong gagawin natin? Mukhang may espiritu na nagtatago sa loob" sabi niya at saka nagtatatalon habang sumisigaw. 

F*ck. Ang ingay niya. Nakakahiya. Wala ba siyang hiya sa katawan. Ni hindi man lang siya nag-aral about sa mga kagamitan dito bago siya pumunta. Tsk. Utak gagamba =_= 

Hinila ko na lang siya sa loob atsaka sinara ito ng mabilis. Baka mamaya, may makakita pa sa kahihiyan ng babaeng to. Nako =_= Kung hindi ko lang talaga siya kailangan sa mga plano ko, I won't even lay a single finger of mine sa katawan niya. 

My Girlfriend is a PROMDIحيث تعيش القصص. اكتشف الآن