Chapter 8: Finally

212 7 0
                                    


Chapter 8: Finally

4:40.

Still no sign of Caleb.

"Dapat talaga hindi ako naniwala!" inis na inis kong sabi sa sarili. Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa labas ng building namin para sa kanya, ngunit kahit isang senyales man lang ng presensya niya ay wala akong nasagap. I should've known na isa na naman ito sa mga paraan niya para inisin ako. Pinaasa niya akong susunduin niya ako, ngunit in reality, paghihintayin lamang niya ako para sa wala. Ganoon na lang ba katindi ang galit niya sa akin para gawin iyon? Damn, napaka-immature niyang talaga.

Biglang nagring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen ko ay nakita kong si Selah ang tumatawag. Dali-dali ko itong sinagot. "Hello, Kuya. Magkasama na ba kayo ni Caleb?" tanong niya. Napabuntong-hininga ako. "Hindi pa. Shit, more than 30 minutes na akong naghihintay dito. Look, if your brother even dared—" irita kong pagsisimula ngunit pinutol niya ako. "Ugh. Typical of my Kuya. For sure pupunta 'yan. I basically threatened him na sunduin ka. To make up for everything he's done." sabi niya. "Eh bakit wala pa siya? Tatawagan ko na si Manong Elmer. Rush hour na, mahihirapan na akong umuwi niyan." naiinis ko pa ring sagot sa kanya. "Kuya, I'm so sorry... if he did ditch you, I'll talk to him, okay? Pero wait for him a little while, baka natraffic lang. Pag nagsorry siya, pahirapan mo ha. Make him beg!" paghihingi niya ng pasensya. "Sure. Bye." walang gana kong sabi sa kanya.

Haaaaay, buhay. Dapat ko na sigurong pag-isipan ang plano kong umalis sa bahay at magsarili. Seeing na kahit lahat ng paghihirap ko, kasama ang pag-aalaga sa kanya nang magkasakit siya ay ni hindi man lang nakapagpalambot ng loob niya enough to even say a "Thank you."... ewan, nakakawalang-gana. Wala na akong panahon na makipagplastikan sa kanya. I guess I should give him the satisfaction of never seeing me again, of not ruining their 'perfect' family.

Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko nang mapansin ko ang isang pamilyar na asul na Honda Civic na unti-unting pumreno sa pwesto ko. Bumaba ang isa sa mga bintana nito at nasilayan ko ang mukha ni Caleb. Tila natigilan ako sa ayos niya. Naka-taas ang buhok nito, at nakasuot ng shades, and for the first time in ages—wala akong nakitang simangot sa mukha niya na siyang ikinataka ko. Hindi siya nakangiti, pero masasabi ko na walang inis akong nakita sa kanya. Ngunit pilit kong binura ang mga bagay na iyon mula sa aking isipan at padabog na naglakad papunta sa kotse. Nang makapasok na ako ay isinara ko ang pinto at itinuon ang pansin ko sa daan, ni hindi ko man lang siya pinansin at hinayaan siyang magmaneho na lamang ng kotse pauwi ng bahay.

Katahimikan.

Nakarating kami ng EDSA na wala ni isa sa amin ang nagsasalita, na siyang ikinainis ko. Kung iniisip niyang mato-touch ako sa pagsundo niya sa akin at papatawarin ko siya agad-agad ay nagkakamali siya. Iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Selah na pahirapan ko si Caleb—if that would even work. I have every right to do this. If he plans to patch things with me tonight, I'd gladly forgive him—though hindi ko gagawing madali iyon para sa kanya. Impyerno ang buhay ko sa bahay na iyon dahil sa kanya, kaya may karapatan naman siguro akong pahirapan siya kahit kaunti.

"Gabe..." pagsisimula niya. "It's Gab." irita kong balik sa kanya. Napansin ko naman na parang nahiya siya at lalong kinabahan, which I find quite amusing to be honest. "Uh, sorry I was late. I had this emergency meet—" "Tapos na. Nasundo mo na ako. End of story." matalim kong tugon, na siyang ikinagulat ko ng lubusan. Naalala ko ang ganitong epekto ng tonong ito sa mga kasama ko noong high school. Pucha, hindi na nakakapagtakang takot sila lahat sa akin. Nevertheless, ginamit ko ito to my advantage.

Napabuntong-hininga siya at ibinaling ulit ang atensyon niya sa pagmamaneho. "Look, Gab... that wasn't intentional. Hindi ko gusto ang nangyari, knowing that sobrang gago ko na sa'yo." malaman niyang sabi na siyang ikinagulat ko, ngunit hindi ako nagpatinag. He sighed again. "It's getting late. Siguro dapat maghapunan na tayo. Saan mo ba gusto?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot, at imbes ay binunot ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko at nagkunwaring nagtetext, which earned me another sigh from him.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Where stories live. Discover now