Chapter 25 [Pre-finale]

239 5 0
                                    


Chapter 25 [Pre-finale]

Caleb.

"Caleb!" reaksyon ni Gab nang mapansin niya ang pagdating ko. Ramdam ko ang pagkailang niya ngayon sa akin, and I can't blame him, dahil after ng mga ipinakita ko sa kanya at sa pabago-bago kong ugali ay marahil hindi na niya siguro alam kung paano ba talaga ako pakikitunguhan. Kaya naman tumahimik muna ako at pinakiramdaman ang paligid. Pinakinggan ko ang tunog ng hampas ng mga alon, dinama ko ang lamig ng hangin sa balat ko, at binaling ang tingin ko sa kanya bago ako nagsimulang magsalita.

"I know... na marami akong dapat ipaliwanag. Alam kong naiinis ka sa akin. Pero, Gab... mas naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kung paano kita tinrato nitong mga nakaraang linggo, dahil kung paano kita pakitunguhan ay ibang-iba sa nararamdaman ko para sa'yo." malumgkot kong sabi dito. Tiningnan niya ako at masasalamin sa mga mata nito ang lungkot.

"Ano ba talagang nangyayari, Caleb? Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong nito sa akin.

Bumuntong-hininga ako.

"You won't understand, Gab." sagot ko dito.

"Iyon nga ang problema, eh. Hindi ko maintindihan kaya ipaintindi mo sa akin." kalmado, ngunit seryosong pahayag nito.

"I've been living a lie, Gab. Lahat na lang ng pinapakita ko pawing kasinungalingan. Kahit sa sarili ko hindi ko kayang magpakatotoo... pero nang dumating ka sa amin, parang nabigyan ako ng pag-asa, pero lalo lang akong na-frustrate kasi dahil sa'yo, lalo lang akong nagtatago."

"Anong ibig mong sabihin?"

"I felt that... sa pagdating mo, masasaktan na naman ako gaya ng nangyari sa akin dati."

"Kay Migs?" tanong nito na siyang ikinagulat ko.

"Paanong?—"

"Caleb, I know. Alam ko. Huwag kang matakot."

"Sinabi ba sa'yo 'to ni Sari?"

"That's not what's important. Ang gusto ko, malaman ko kung ano ba talagang nangyari sa'yo dati. Gusto kong malaman para maintindihan na kita, para maintindihan ko na kung bakit ka ba nagkakaganyan. Sino ba talaga si Migs at anong nangyari?" tanong nito Bumuntong-hininga na lamang ako ng malalim at sinimulang magkwento kahit pa labag na labag ito sa kalooban ko. At tila isang parang isang sirang plakang nagpaulit-ulit ang tanong niya sa utak ko.

Sino si Migs?

Flashback.

"Aminin mo na. Ako ang tama, Caleb. Ang pangit ng suggestion mo." mayabang na saad ni Migs. Agad naman kumulo ang dugo ko dahil sa narinig ko. "Clearly ay ikaw 'tong ayaw magpatalo. Lahat naman ng ideas ko may criticism ka. Wala na akong sinabing tama pagdating sa'yo!" bulyaw ko dito, at napansin kong tila natutulala na lamang sa amin ang mga groupmates namin.

This is the reason why us together in one group was never a good idea eversince.

"I'm sticking up to what I said, and that's final." dagdag pa nito.

"But I'm the group leader, kaya ako ang masusunod." pagpipilit ko.

"Dapat ang isang leader ay nakikinig sa mga members niya." sagot nito sa akin.

"Eh paano naman kung ang suggestion ng member niya ay hindi feasible? Ang tunay na leader, nag-iisip!"

"Which you aren't doing at the moment."

"Guys, stop! Please, for one second huwag na kayong mag-away. Magcompromise na lang tayo. Kaya hindi tayo matatapos sa project na 'to dahil sa inyong dalawa eh." iritableng pahayag ng isa naming groupmate na siyang nakapagpatahimik sa aming dalawa ni Migs. Oo, tinamaan ako sa sinabi nito sa akin, at alam kong ganoon din si Migs. Ngunit kahit natahimik kaming dalawa ay natinginan pa rin kami at tahimik na nagbangayan.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Where stories live. Discover now