Chapter 23 (SPG)

249 4 0
                                    


Author's Note:

This chapter contains slightly sexual explicit content. Skip this chapter if you are easily offended by this kind of material. Please do not report this chapter. I believe that the love scene was tastefully-written. Thank you.

- A. Lim

Chapter 23

"So magkano every month? Mag-aadvance na ba ako?" tanong ko dito pagkatapos naming pumasok sa unit niya. Medyo kinabahan naman ako dahil baka mahal at singilin nito sa akin. Kahit may naitabi akong pera, at kahit may pera namang binibigay sa akin palagi sila dad ay ayoko naman sanang mabawasan iyon ng sobra. Nagulat na lamang ako ng tumawa ito.

"Mahal..." sabi nito na lalo ko pang ikinakaba.

"...mahalin mo ako." Akala ko ay nagbibiro ito, ngunit nang hindi ito tumawa ay napaamang na lamang ako at naramdaman ko na lamang ang pamumula ng mga pisngi ko gawa ng sinabi niya. Nang mahalata niya sigurong hindi ako komportable sa ginawa niya ay tumawa na lamang ito at sinabing nagbibiro lamang siya.

"No, seriously. How much?" tanong ko dito.

"Nah, alam mo namang hindi kita pagbabayarin. Ayos lang sa akin 'yon. Hindi ko naman kailangan ng pera, eh. Marami ako niyan." sabi pa nito.

"Eh 'di ikaw na mayaman." bara ko dito.

"Ito naman. That was a joke, but seriously okay na ako na libre ka. Isa pa, ayos rin para sa atin 'to, eh. You get to clear your mind, and I get to spend more time with you. So quits lang tayo."

Kanina ko pa napapansin ang mga pasakali niya sa akin, kaya naman tinanong ko na siya. Naisip ko rin kasing it's better to get this over with, para malinaw na rin ang lahat at wala ng pagkalito sa part ko.

"Can I ask you something?" sabi ko bago tuluyang ihiga ang sarili ko sa couch niya. Tinabihan naman niya ako at ipinatong ang mga binti ko sa lap niya.

"Shoot." sagot nito.

"I..." pagsisimula ko, ngunit pinutol ako nito.

"Oo." sagot nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Oo. Alam ko naman 'yang itatanong mo, eh. I can see it in your singkit eyes. Basta 'yun na 'yung sagot ko: oo. I don't want you feeling uncomfortable, but please, just let me do this, okay?" dagdag pa nito. And for some unexplainable reason ay nakaramdam ako ng isang kakaibang sensasyon sa puso ko, something that I've never experienced before. Ramdam ko kung gaano ako pinapapahalagahan ni Justin at ang kagustuhan nitong bumawi at patunayang muli ang sarili niya sa akin.

"Uhm... buti pinayagan ka ng parents mo. Hindi ba sila nagtaka?" tanong ko dito.

"Nah, they never really cared. I think I actually did them a favor sa pag-alis ko." sabi nito sa akin na parang wala lamang iyon sa kanya, na parang sanay na siya sa ganoong pag-uugali ng magulang niya.

"Do they know na... alam mo na, ikaw... sa akin?" Hindi ako makapagsalita ng diretso na siyang ikinabwisit ko.

"Na mahal kita?" walang kagatol-gatol nitong sabi sa akin.

"That's such a strong word." sabi ko dito.

"Eh strong talaga, eh. Wala na akong magagawa... Remember the time when nagkasapakan kami ni Caleb? 'Yung guy na pumigil sa amin, kuya ko 'yun." pagpapaliwanag niya. "And alam niya. Alam din naman nila mama, and they don't have a problem with it, which was surprising." sagot nito sa akin. "So you see, Gab. Wala ng problema. Ikaw na lang talaga." sabi pa nito.

"Paano friends mo? Mga kasama mo sa org? Ano na lang sasabihin nila?" Tanong ko pa sa kanya, dahil for some reason ay gusto ko siyang subukin by throwing these kinds of questions. Malamang dahil bago pa ang lahat ng ito sa kanya ay mag-aalangan pa ito, ngunit nagulat na lamang ako sa sinagot niya sa akin.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Where stories live. Discover now