Chapter 12

227 4 0
                                    


Chapter 12

Gab.

Naramdaman ko na parang mabigat ang ulo ko, kaya nagpasya akong bumangon at magtungo ng kusina para makainom ng tubig. Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko ay hindi ko inaasahang madadatnan ko roon si Caleb, na siyang gulat na gulat rin. Sandali kaming nagkatitigan bago niya basagin ang katahimikan. Nang mapansin kong tanging shorts lamang ang suot niya ay napabaling ako ng tingin sa kaliwa. Hindi ko alam kung bakit lubusang naiilang ako tuwing kasama ko siya. Oo, alam kong bati na kami, pero hindi ko talaga matanggal sa sistema ko ang pagkailang for some reason.

"Sabi ni ate Jen nakauwi ka na raw." sabi niya. Napansin kong medyo nahihiya siya na siyang ikinataka ko. "Saan ka nga pala pupunta?" tanong niya. Sandali akong natahimik, dahil parang nabihag na naman ako ng mapupungay niyang mga mata. Napailing ako at pinilit ang sarili kong bumalik sa huwisyo. "Ahm, kukuha lang ako ng tubig. Bakit ka nakatayo sa may pintuan ko?" tanong ko sa kanya. "I just wanted to check on you. Halika, punta tayong kitchen." pagyaya niya sa akin bago maglakad papalayo.

Nang makarating kami ng kusina ay uminom na ako ng tubig. Matapos noon ay sumandal ako sa may counter at hinimas-himas ang ulo ko. "Masakit ulo mo?" tanong niya na siyang tinanguan ko na lamang. Naglakad siya papalapit sa akin at hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa. Naramdaman ko na lamang na dahan-dahang minamasahe ng mga daliri niya ang noo ko. Parang nanigas naman ako sa pwesto ko dahil sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga balat namin ni Caleb. More importantly, hindi ko inaasahang gagawin niya ito, kaya naman gulat na gulat ako. Nang maka-recover na ako at makabalik sa realidad ukol sa nangyayari ay napabalikwas ako.

"Shhh, okay lang." pagpigil niya sa akin. Hindi siya nagpatinag at patuloy minasahe ang ulo ko. Hindi ko mapigilang mapangiti. Sino ba naman ang mag-aakalang ang taong umaaway sa akin dati ay heto ngayon at minamasahe ang noo ko? "Magkwento ka naman sa vacation niyo ni Justin." simpleng request niya. "And bakit ang aga niyo namang nakabalik? Parang nagsayang lang kayo ng oras kung ganoon kabilis yung vacation niyo." dagdag niya.

"Ahh, wala naman. Okay naman. Nakapagrelax naman ako." simpleng sagot ko, ngunit deep down ay gustong-gusto ko na ikwento kay Caleb lahat ng nangyari. Pero naisip ko rin na baka makasama iyon kay Justin, kung totoo man ang sinabi niya sa akin kagabi. Alam kong kaibigan niya si Caleb kahit papaano at wala siguro akong karapatan na i-expose si Justin sa kanya. At isa pa, baka naman nangtri-trip lang si Justin, kasi nga lasing siya. "Nakapag-relax ka, pero masakit ang ulo mo? Stop lying, Gab. I know something happened there." pahayag niya, tila siguradong-sigurado siya na siyang ikinakaba ko.

Naramdaman kong tumigil siya sa pagmamasahe ng ulo ko na siyang dahilan kung bakit napadilat ako at mapagmasdang muli ang mga mata niya. "Nothing, Caleb. Walang nangyari." striktong pahayag ko, para tumigil na siya sa kakatanong. Mukhang naging effective naman ito dahil napatango siya. "Okay. So kamusta naman sila Pete, Zach, Emily?" kaswal na tanong niya, naka-cross ang mga braso niya sa hubad niyang dibdib. "S-sino sila?" takang tanong ko. Nangunot ang noo niya. "Barkada ni Justin? Sila yung mga laging nagyaya sa amin sa Laguna. Si Pete 'yung may ari noong resort." tanong niya, at doon ay naramdaman ko ang pagkadagdag ng paghihinala niya.

"Gab, umamin ka nga." impatient na tanong nito.

"Sa villa ng dad niya kami pumunta, and Cal—"

"Kuya Gab! You're here na pala!" ecstatic na bungad ni Selah, na siyang ipinagpasalamat ko, dahil nasagip niya ako mula sa pagsagot sa mga tanong ni Caleb. "Eww, Kuya. Put a shirt on." baling ni Selah kay Caleb. "Anyway, Kuya Gab. Na-miss kita. Kamusta naman vacation mo?" excited na tanong niya sa akin. Kinwentuhan ko naman si Selah, leaving the parts kung saan kinausap ako ni Justin. Pinipilit ko rin na huwag bigyang-pansin si Caleb by pretending to be engrossed in my conversation with Selah, hoping na makakalimutan niya ang mga tinatanong niya sa akin kanina. Ngunit alam kong hindi susuko si Caleb hanggang hindi siya nakakakuha ng matinong sagot mula sa akin, dahil habang nakikipag-usap ako kay Selah, halatang-halata sa kanya na pilit niya akong binabasa, dahil hindi ako nilubayan ng dalawa niyang mga mata.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon