Chapter 19

202 5 0
                                    


Chapter 19

Justin.

Flashback

Sinagot ko ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag sa akin si Caleb, kapitbahay at tropa ko. "Bro? Anong meron?" bungad ko sa kanya. "Damn, open your gate. Kailangan ko ng kausap." hindi niya mapakaling sagot sa tanong ko. Nagtaka naman ako, dahil hindi ganito ang normal na pag-uugali ni Caleb. Siya na siguro ang pinakamatigas na taong kilala ko. Bihira ko siyang nakitaan ng emosyon. Don't get me wrong, kapag nagkakasiyahan kami ng mga barkada namin ay lagi siyang nakikigulo. Kwela siya, at palabiro, ngunit ni minsan ay di ko pa siya namasdan na tila may iniindang problema. Binabaan ko siya ng telepono at nagtungo sa labas ng bahay namin.

Nasipat ko siyang naghihintay sa labas ng gate namin, tila hindi mapakali. Agad ko siyang pinagbuksan at niyaya sa garden upang makapag-usap kami ng masinsinan. "Can I get you anything?" tanong ko. "Tubig. Salamat." simpleng reply niya. Pinaupo ko siya sa may coffee table sa harap ng pool habang kinuha ko muna siya ng tubig sa kusina. Kumuha na rin ako ng maiinom kong juice. Bumalik ako sa garden at inilapag ko ang mga inumin sa la mesa. Agad namang uminom si Caleb at sa unang lagok pa lamang ay nangalahati na agad ang baso.

"Anong nangyari?" kaswal kong tanong sa kanya. Umiling siya at nakita kong kumunot ang noo niya. "Sobra na talaga si dad." nangagagalaiti niyang sabi sa akin. "Naanakan niya pala yung babae niya dati." sabi niya. Nagulat naman ako sa rebelasyong iyon mula sa kanya, dahil hindi ko inaasahang may anak pala sa labas si Tito Ronald. Ang tanging alam ko lamang ay nagkaroon siya dati ng kabit base sa mga kwento ni Caleb. Hindi ako nakasagot, dahil nga sadyang nabigla ako sa narinig ko. Matagal ko ng alam na may tampo itong si Caleb sa daddy niya, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganito na lang kapait ang tunog ng pagsasalita niya.

"And now, he wants to adopt that kid. Bukas sa amin na siya titira. Fuck." inis na inis niyang pagsusumbong. "To make matters worse, I heard that he's a fag." sabi pa niya. At doon ay natawa na ako. "Dude, problema nga 'yan." pang-aasar ko sa kanya. "Paano kung gapangin ka niya habang natutulog ka? Tsk, tsk. Ingat ka, bro." tudyo ko pa. "Gago. Fuck, I swear I'll make his life a living hell once he moves in." mariin niyang sabi.

Katahimikan.

Tila may naisip na ideya si Caleb, dahil sa biglaang pagliwanag ng mukha nito. "Dude! I have a plan." Nakangising sabi niya sa akin. Naging interesado naman ako sa topic ng conversation namin. Alam kong kapag ganito si Caleb ay handa na naman itong maglaro ng apoy. Ako naman ay game na game rin, dahil sadyang mahilig ako sa mga ganoong bagay. "What?" tanong ko. Uminom muna ako ng juice habang hinihintay ang sagot niya.

"Paibigin mo siya." sabi niya na siyang naging dahilan para maibuga ko ang iniinom ko—literally. "Tangina! Ano?! Bakit ganyan role ko diyan?!" hindi ko makapaniwalang bulalas. Ano naman ba ang nahithit ni Caleb? "I'm not a fag!" dugtong ko pa. Tumawa lang ito ng matabang. "Alam ko, pero c'mon Justin. Alam kong hindi ka katulad niya, but I know you're craving for some mischief. Ito na ang pagkakataon mo. I know how much you like your mind games. Kaya I'm challenging you to make my ass of a half brother fall in love... then break his heart." sabi niya na tila proud pa sa sarili niya sa naisip niya.

Napaisip naman ako. Ayokong gawin iyon sa kung sinuman ang kapatid niya. Hindi dahil sa ayaw ko siya masaktan, because truth to be told, wala akong pakialam. Ayoko lang talagang lumapit sa mga taong tulad niya. They disgust me! Ngunit hindi ko ikakailang tinamaan ako sa sinabi ni Caleb. Matagal na nga since noong huling nakapaglaro ako, at nami-miss ko na ang sayang nakukuha ko sa paglalaro ng mga damdamin ng ibang tao. At isa pa, sa tono niya, tila hinahamon niya ako at parang pinapamukha niya sa akin na hindi ko kaya.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Where stories live. Discover now