Chapter 22

176 4 0
                                    


Chapter 22

"Gago ka talaga, Justin." iyon na lamang ang tangi kong nasabi matapos kong masaksihan ang pagsasayaw ng grupo niya sa harapan ko. Naramdaman kong kinuha niya ang dalawa kong kamay. Sobrang cliché, na parang sa mga pelikula, alam ko, pero kapag pala ikaw na mismo ang nasa moment na iyon ay hindi mo na rin iyon iintindihin. Iniangat niya ang dalawa kong kamay, at kung gaano kabilis ang naging pagtibok ng puso ko ay siya ring kabilis mawala ng mga kamay ni Justin sa akin.

Nagtaka ako kung bakit siya bumitaw at nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari ay lubusan akong nag-alala. Nakita kong nakapagitna sa aming dalawa si Trisha na miya mong handa nang umatake anong oras man. Hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha nito, ngunit base sa paninigas ng katawan nito at sa natatakot na ekspresyon ni Justin ay hindi na ako nag-isip pa para malaman kung galit ba ito o hindi.

"Stay away from Gab." matigas na sabi nito. Kahit mahina ang pagkakasabing iyon ni Trisha ay sapat na iyon para kahit sinumang lalaki ay matakot dito. Wala ng sinayang na oras si Trisha at bigla akong hinaltak papaalis sa grupo ng tao sa lobby. Marahas niya akong hinila papalayo, at dahil ako ay nabigla pa rin sa mga nangyari ay wala na akong ginawa o sinabi para pigilan ito.

"Gab, sandali lang!" narinig kong paghabol sa amin ni Justin, at doon ay huminto kaming dalawa ni Trisha at muli siyang pumagitna sa aming dalawa. Nang mapagtanto ko ang maaaring mangyari, at ang mga consequences noon, I decided to finally step up.

"Trisha. I can handle this." kalmado kong saad, ngunit gaya ng inaasahan ay hindi ako pinansin nito. "Turuan ko lang 'to ng leksyon, Gab. Pa-isa lang!" banta nito sa lalaking kaharap namin ngayon. Kitang-kita naman kay Justin ang kagustuhan nitong magsorry sa akin – sa aming dalawa – sa mga kagaguhang nagawa nito dati, and I can't help but feel a bit of warmth, dahil siguro nga ay unti-unti na akong paparating sa punto na malapit ko na itong patawarin.

"Ikaw, lalaki ka! How dare you go near him after mo siyang paglaruan! Tapos ngayon may pasayaw-sayaw ka pa..." pagsisimula niya. "Trisha." banta ko dito, ngunit dahil nga may pagka-matigas ang ulo nito ay walang naging epekto iyon at imbes ay nagpatuloy lamang ito sa kanyang ginagawa. "So ano, hindi ka pa ba nakukuntento? Hindi ka pa ba nasisiyahan? Hindi ka pa b—"

"Patricia!" galit kong suway dito.

Pareho silang natigilan sa inasta ko. MAlamang ay hindi nila pareho inasahan ang iaakto ko. I was losing my patience with Trisha, pero pinakalma ko ang sarili ko. Isa pa, after kong makita ang takot at gulat na mukha nito ay naisipan kong pabulaanan ang ginawa ko. Minsan lang kasi akong umarte ng ganito kaya siguro gulat na gulat silang dalawa lalo na si Trisha.

"Look, Trisha." huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy. "I appreciate your concern, pero kaya ko ang sarili ko. Okay? Huwag ka ng masyadong mastress." pahayag ko dito. Naramdaman kong gusto pa niyang magprotesta, ngunit dahil na rin siguro sa takot at pagkabigla ay natameme na lamang ito. Binaling ko ang atensyon ko kay Justin at napansin kong wala pa rin itong imik. Ngunit nang mapansin niyang nakabaling ang atensyon ko sa kanya ay tila agad itong bumalik sa realidad at nagsalita.

"Gab." masuyong tawag nito sa akin.

"Trisha... we need to talk." pagsisimula ko habang palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Kita ko kay Justin ang concern, at kita naman kay Trisha ang pagtataka.

--

Flashback

"Mahal kita, Caleb." sabi ko.

I froze. Ano nga ba 'tong nasabi ko? Nanigas ako sa kinatatayuan ko, at maging si Caleb ay naramdaman kong nanigas din bago ako nito tuluyang pihitin paharap sa kanya. Nang magkatinginan ang mga mata namin ay kitang-kita ko sa mukha nito ang matinding gulat at pagtataka dala ng sinabi ko. Naisip kong may panahon pa para bawiin ang sinabi ko, ngunit sadyang natulala na lamang ako dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Where stories live. Discover now