FINDING OUR WAY BACK HOME - OUT NOW

36 1 0
                                    

Hello, guys! Chapter One of my new novel titled "Finding Our Way Back Home" has been released!

I'd really appreciate your feedback by commenting on my published chapters. Ang tagal ko rin kasing hinanap ang courage to start writing again. Thank you so much and I do hope you add my story to your libraries/reading lists and support it. :) Thank you so much!

-- A. Lim


Here's a sneak peak:

WAY BACK HOME

Chapter 1: Zach

Humahangos akong bumangon mula sa aking higaan.

Another bad dream.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napakapit sa aking ulo. Almost four years na rin pero ayaw pa rin akong tantanan ng mga multo sa aking nakaraan. Napaupo na lamang ako sa aking kama at tumingin sa dingding. Nadako naman ng paningin ko ang isang litrato. Isa iyong family photo, ngunit ang kinaibahan ay may isang tao kaming kasama na hindi parte ng pamilya namin ngunit naging parte ng puso ko. Gustohin ko mang itapon iyon ay hindi ko magawa dahil iyon ang huling family picture kung saan kumpleto pa kami bago mamaalam ang aking ama almost 6 years na ang nakalipas.

Napailing na lamang ako at napatingin sa wall clock sa loob ng unit ko na siyang dahilan kung bakit napabalikwas na lamang ako at dali-daling naghanda para sa klase namin mamayang hapon. Ilang sandali lamang ay nakapaghanda na ako at nagsimulang tahakin ang daan patungong school.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Where stories live. Discover now