12

627 29 42
                                    


Dear Diary.

BES! ALam mo ba ? kanina bibili sana ako ng pandesal sa tindahan  ni manong Hoseok kaso sarado kaya bumalik ako sa dorm ,

Kaso pabalik nako biglang lumabas si Josh , Yeah sabi nya Josh nalang itawag ko sakanya kasi ^close^ na daw kame.

Ayun nga naka pang basketball sya bes yung jersey nya may nakasulat na HONG 18 ang taray feeling ko tuloy bday ko yung number nya ahe.

Ayun nga sinundan ko sya sa Court tapos nakita ko na isa sa mga kalaro nya yung bf ni Uji . Ang gwapo din nyang walang mata na yan ee. Crush ko sya pero mas crush ko talaga si Josh ❤ Tsaka baka mapatay ako ni Uji pag nag landi ako sa jowa nya haha .

Ayun nga kunwari napadaan lang ako buti bukas yung tindahan ni Manong Lay at Aling Suho kaya may exuse ako bumili ako ng pancit canton , tapos nag slw motion ako pabalik .

Kaso bes habang nag lalakad ako , biglang may nakatama sakin ng bola. TANGINA! sapol na sapol ang gwapo kong mukha !

Hindi ko alam kung mahihimatay ako o ano ee basta ang sakit sa mukha .

Tapos bigla nalang lumapit si Josh ❤ Tsaka yung mga kalaro nya.

Ayos ka lang Seok ? tanong nya sakin Puta? Ano Matamaan ka ng bola sa mukha yung solid na solid magiging ayos ka ba dun?
Pero dahil mahal ko sya sinabi ko ayos lang huehue.

Sorry talaga seok , napalakas yung hagis ko ee " sabi nya tumango lang ako. Tapos tatayo na sana ako kaso ang sakit talaga sa mukha bes .

Alalayan mo jowsh kawawa naman " sabi ni Hoshi yung jowa ni uji.

Oo sige , hatid ko muna si Seok kayo muna mag laro " sabi ni josh edi ngiting tagumpay nanaman si ako.

Myghaaad bes inlagay nya u g kamay ko sa batok nya para makaalaylay sakin tapos hawak nya pa ako sa bewang ko . Tangina ang ganda ganda ko i mean ang gwapo gwapo ko  talaga. 😎

Ayun sorry sya ng sorry hindi nya daw sinasadya , pero hindi ko sya pinapansin basta naka focus ako sa mukha nyang sobrang ganda  . Basta simula nung nalaman kong mas bottom sya sakin nakikita ko sa mukha nya ang ganda nya . ❤❤❤

Hinatid nya ako hanghang sa loob ng kwarto ko , tapos sabi nya mamayang tanghali da sabay kame mag lunch. Myghaaaad sana araw araw nya nalang akng tamaan ng bola kung ganito sya kasweet 😍😍








Dk ❤

Diary Ni SeokMinWhere stories live. Discover now