11

456 27 5
                                    


Dear Diary,

Nakakainis talaga yung Eomma ni Seok!

Kasi ininviet ako ni seok may dinner date sila kasama si Minah , tapos sinasama nga ako nung dalawang mag kapatid kaso parang ayaw nung eomma nila.

Ginagawa ko naman ang best ko para makuha ang loob nya pero wala talaga. Hindi nya na ko pinapansin parang pinapahiya nya pa ako.

Katulad nung sabi ko ako na mag lilinis nung isda na binili nila kahapon, sabi nya ano daw bang malay ko sa pag lilinis ng isda ey bukod sa lalaki ako mukang anak mayaman pa daw ako. Sabi ko naman kaya ko, kasi hindi ko naman kasama parents ko dito sa korea kaya independent ako at marunong sa mga gawain ganun. Pero nag pumilit parin sya hanggang sa tumalsik ung isda sa kanya kaya nadumihan ang damit nya.

Kung ano anong masasakit nga na salita ang sinabi sakin ey , kesyo Ang tigas daw kasi ng ulo ko, nag mamagaling daw ako, pabida , kulang daw yata ako sa atensyon kaya masyado akong pasikat. Wala naman akong ginagawa ey gusto ko lang tumulong, kaya wala akong choice kundi umalis nalang dun sa kwarto nila. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at dun ako nag iiyak , ewan ko ang sakit kasi sa dibdib ng mga sinabi nya ey. Parang hindi ko kayang tanggapin pero dahil mahal ko si seok. Titiisin ko nalang.

-

Edi kanina nga yung Dinner namin , tapos ang nakakainis dun kasama si Momo .

Nakita daw kasi nila seok si Momo habang nasa grocery sila . Tapos lumapit daw si momo nagustuhan yata ng eomma nya kaya ininviet din si momo.

Pero may mas nakakainis pa dun.





Parang hindi kasi ako kasama sa dinner , nag uusap kasi sila , tapos sila lang din nagkakaintindihan , ang lalakas nga nila tumawa ey . Parang mga takas sa mental .

Tapos nabanggit ni momo sa eomma ni seok na nag kagusto sya kay seok kasi friniendzone sya nito . Nagalit naman ang eomma ni seok dahil bagay na bagay daw sila ni momo kaya napaubo ako. Tapos sabi ng eomma nya "nandyan ka pala " napairap nalang ako. Tangina ba? nagiging makasalanan ako dahil sa nanay ni seok ey tsk!

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kaya sumagot ako.

" Opo kanina pa po ako nandito" sagot ko.

" Bakit kaba kasi nandito hindi ka naman parte ng pamilya namin " sabi ng eomma nya kaya inawat sya ni seok.

" Eomma anu ba ? wag nyo ginganyan si joshua " sabi ni seok.

" Bakit ? hindi naman talaga sya parte ng pamilya ha? " mataray na sabi ng eomma nya.

" Correction po . Hindi pa ' kasi magiging parte palang . Pero dahil sa pinapakita nyong ugali sakin parang yung HINDI PA. Magiging HINDI NA!" sabi ko tapos hinawakan ni seok yung kamay ko.

" Bastos kang bata ka. Tingin mo gusto kong maging parte ka ng pamilya ko?? " sabi ng eomma nya.

" Hindi po ako bastos, pero iilan ilan lang din po yung ginagalang ko, yung karapat dapat lang po ba. sana po tinanong nyo muna ako kung gusto ko din maging parte ng pamilya nyo bago nyo sabihin na ayaw nyo sakin " sabi ko at tatayo na sana sa upuan ko pero pinigilan ako ni seok.

" hayaan mo sya seokmin , bading na nga wala pang modo " sabi ng eomma nya sasagot pa sana ako kaso sumagot si seok.

" Eomma naman yung bading na yan ang lalaking mahal ko , kung may bading dito ako yun ma, kundi dahil sakin hindi sya mag kakaganyan , Hindi sya walang modo eomma binastos mo kasi ey, diba nga sabi ni appa wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo. Eomma Ito yung lalaking mahal ko. " sabi ni seok at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.

" Seokmin ano ba yang pinag sasabi mo? naloloko kana ba? " tanong ng eomma nya.

" hindi eomma, nag mamahal lang ako , nag mamahalan kaming dalawa" sabi ni seok.

" tigilan mo ako sa kabaklaan nyong dalawa lumayas kayo sa harapan ko " nang gigigil na sabi ng eomma nya, ayaw pa sana umalis ni seok pero sabi ni minah sya na daw ang bahala.

-

Nung nakarating kame sa dorm , sabi nya dun muna sya sa kwarto ko. kaya pinatuloy ko.

Sorry sya ng sorry sa ginawa ng eomma nya, nag sorry din ako kasi nakasagot ako ng wala sa oras pero naiinitindihan naman daw nya.

" Pano ba yan ayaw satin ng eomma mo, ayaw nya sa relasyon natin ey " sabi ko.

" edi hayaan mo sya , hindi naman sya ang iboboyfriend mo ey " sabi nya kaya nabatukan ko sya.

" ano kaba? parents mo yun ey, " sabi ko.

" ano naman? hindi naman habang buhay pwede nila akong diktahan sa anong pwede at hindi ko pwedeng gawin. hindi naman na tayo bata alam na natin ang tama at mali " sabi nya.

" oo nga pero ang hirap padin , pano kung itakwil ka nila? " tanong ko.

" edi itakwil, basta wala tayong ginagawang masama , nag mamahalan lang naman tayo ey, edi kung hindi nila kayang tanggan bahala sila , ikakasaya ko ba pag sinunod ko sila ? hindi naman eh. " sabi nya, napangit naman ako hindi ko kasi naisip na ipag tatanggol nya ako sa eomma nya ey. Kadalasan kasi kahit ikaw na ung tama basta parents ang ka-arguments hinding hindi ka mananalo . Hindi ko naisip na ganon nya pala talaga ako kamahal , na kahit sa sariling ina nya ipapagtanggol nya ako.



J O S H ❤


-------------💮💮💮-------------

Diary Ni SeokMinWhere stories live. Discover now