3

532 24 3
                                    


Dear Diary,

Kanina nandito sya sa kwarto ko kasi niyaya nya ako kumain mag luluto daw sya .. Edi umoo ako syempre.

6pm kumatok sya ulit sa kwarto ko luto na daw yung pagkain namin ..



Edi ayun nga sumama ako sakanya sa kwarto nya tapos hinanda nya yung pagkain namin. Kaso isang plato lang yung niserve nya para daw tipid sa hugasan mag share nalang daw kame. Syempre kinikilig ako sa part na yun kasi sinusubuan nya ako para daw hindi ako mapagod. Ang sweet nya nga ey para kaming mag asawa 😊


Pag tapos namin kumain nag usap lang kami tungkol sa kung ano ano. Tapos tinanong nya ako kung masarap ba daw yung niluto nya. Syempre sabi ko Oo kasi masarap naman talaga pero nagulat lang ako sa sinagot nya.

" Mas masarap ako dyan, gusto mo  ba matikman? " sabi nya sabay kindat pa .Napa ubo naman ako kaya natawa sya .

" Hahaha syempre hindi pa natin gagawin yun hindi mo pa nga ako sinasagot ey " sagot nya . Ey pano ko sya sasagutin hindi nya naman ako tinatanong.

" Josh kung saka sakali ba, hahalikan mo ba ako kahit sa harap ng madaming tao? " tanong nya. Ang random nya nakakaurat pero nginitian ko lang sya. Saka sinabing Dipende kung sya ang mauunang manghalik syempre hindi na ako papalag pero kung ako yung manghahalik ey baka hindi ko yun magawa.

" Haha baka malunod ka sa halik ko , " sabi nya pero sabi ko uwi na ko kasi maaga pa pasok ko bukas . Kaya pumayag naman sya at hinatid ako sa kwarto ko. Pag sara ko ng pinto nag teks sya agad.







" Joshua Ko. Thankyou pala kahapon tsaka ngayon ha? "

" Sorry talaga sa pag iwas ko sayo :( "

" mag reply ka naman Joshua ko "


" Alam mo ba napatunayan ko talaga ngayon na mahal kita ;) "



" Na ayaw kong hindi ka nakakasama o nakikita man lang :) "




" Wag ka mag papaligaw sa iba ha? "




" Dapat akin ka lang :) "


" joshua ko anu? mag reply ka naman "


Hindi ko maiwasang mapangiti sa Joshua ko :) nakakainis sya ang hilig nya mag pakilig.


" Matutulog na kasi ako maaga pa pasok ko bukas ey " reply ko sakanya , para tigilan nya na ko kasi sobrang kilig na kilig na ako baka di ko mapigilan feels ko.

" Ay ganun ba , Sige na nga goodnight na ... Pero ikiss mo muna ako kahit virtual lang :) " reply nya kaya nag send ako sakanya ng kiss emoticons .

" Goodnight Seokie ko 😘😍😚😗😙 "  reply ko



" enebeyen Joshua Ko nepepekeleg me nemen eke ey hihihi "

" Pero goodnight na din , and syempre iloveyou Yieeee 😊😊😉 "

" Hihintayin ko yung araw na totoo na yung kiss mo 😘😚😗😙😍 "

" goodnight ulit 😘😍" yan na yung last teks nya tapos niyakap ko yung phone ko.



Binabaliw mo talaga ako Seokmin . 



Pero syempre mahal ko din sya 😊😊




J O S H ❤

----------🌸🍂🌼-------

Diary Ni SeokMinWhere stories live. Discover now