4

487 24 10
                                    


Dear Diary,

Hi :) alam mo ba nag nag inuman kame kanina kanila Gyu? Monthsary kasi nila ni wuno pero hindi kasama sila wuno sa inuman kame kame lang mag ttropa.

Ako, si Cheol , si Howsh  , si Jun, si vernon tapos may dalawang hindi naman namin tropa kaibigan daw ni gyu si Yeogyeum at Jungkook .

Okey naman yung inuman namin kaso naburyong yata si gyu sabi nya spin the bottle daw .

Ayun tumapat sakin yung bottle tapos si Hoshi nag tanong sakin kung truth or dare. 

At dahil ang boring ng truth sabi ko dare . ..

Tapos sabi nya , tawagan ko daw si SeokMin at akitin ko.

Nung una ayako kasi em so neheheye 😊

Pero kailangan ko gawin yung dare . Medyo lasing na rin kasi ako nun.

" Hi Seokie " bati ko sakanya pagkasagot nya ng tawag .

" Nasan ka ? " kalmadong tanong nya.

" Nakanila gyu , nag iinum sila ey " sagot ko. actually naka loud speaker yung phone kaya tinatawanan ako ng mga kupal.

" Sila lang? hindi ka kasali? " tanong nya ulit.

" haha umiinom din ako pero konti lang "  sagot ko.

" Ano? Josh ko naman nasan kayo? sunduin  na kita " parang nag papanic na sabi nya.

"  Huh? bakit? " tanong ko.

" Anong bakit? nanghahalik ka pag lasing diba? iteks mo sakin address ni gyu susunduin na kita " sabi nya. ...

" Ey mamaya na " pagpapabebe ko. Sinenyasan na kasi ako ni hoshi na akitin na daw ey.

" Isa Josh ha ! " parang galit na sabi nya.

" Hala nagagalit ka sakin? seokie ko~~ "

" Hindi naman sa ganun , kaso tsk! iteks mo na sakin "

" Mamaya na seokie ko~~ maaga pa naman ey "

" tsk! okey basta wag kang mag papakasing "

" hihi opo seokie ko~~ "

" bakit ganyan boses mo? "

" bakit~~~ ayaw mo ba~~ "

" Haha hindi pero tangina kasi "

" Hala ~~ bakit ka nag mumura ? seokie ko~~ "

" wala wala "

" Hmsss bakit nga? ~~~ "

"  JOSH pls itigil mo yan may nagagalit sa parte ng katawan ko " sabi nya kaya nag tawanan sila gyu.

" tanong mo jowsh kung ano yung nagagalit " sabi ni hoshi.

" Seokie ko~~~~ anu ba yung nagagalit? ~~~ "

" UGH ! Jisoo stop , pupuntahan na kita dyan , tineks na sakin ni wuno yung address ni gyu " sabi nya tapos pinatay na nya yung phone.

Ang daya hind ko nagawa yung dare, pero tuwang tuwa sila gyu ang galing galing ko daw. Ewan ko sakanila .

Maya maya nasusuka na ako , tapos pumunta ako dun sa bandang gate nila gyu at dun ako sumuka. Nagulat nalang ako may humahagod sa likod ko. Pag tingin ko yung kaibigan ni gyu, Si Yeogyeum yata yun.

" Bakit?  tanong ko sakanya.

" Bf mo ba yung tinawagan mo kanina? " tanong nya.

" Ha? hindi nanliligaw palang " sabi ko. tapos ngumuti sya. Sabay akbay sakin.

" edi may pag asa pala ako " sabi nya. Pero bago ako Makasagot may tumulak sa kanya.

" Excuse lang pre ha, kukunin ko lang ang dapat ay sakin " sabi ni seok sabay hila sa kamay ko.

Hindi talaga ako kinikilig promise.

" Bakit pumapayag kang mag paakbay dun ha? " tanong nya sakin.

" HUh? hindi naman ako pumayag ey bigla nakang sya nang akbay " sagot ko tapos hindi na sya namansin.

" Anong problema mo? " tanong ko.

" Wala , uwi na tayo " sagot nya tapos pumara sya ng taxi.

" wait lang kukunin ko bag ko saka mag papaalam muna ko kanila gyu" sabi ko. Tumango naman sya tapos pumasok ulit ako sa bahay nila gyu.

--

Nakasakay na kame ng taxi pero hindi parin sya nakibo.

" Ano ba talagang problema mo seok ? " tanong ko

" Nag seselos kasi ako Josh. Nung nakita kong nakaakbay sya sayo gusto kong ibaon sa lupa yung lalaking yun . Nakakainis " sabi nya kaya natawa ako.

" wag mokong tawanan . Bakit kasi nag lasing ka? pano kung nachansingan ka nun? uunahan nya pa ako? " sabi nya kaya lalo akong natawa .

pag baba namin ng taxi hinatid nya ako sa kwarto ko. Sabi ko dito na rin sya matulog pero ayaw nya.  Hindi pa daw pwede kasi hindi ko pa sya sinasagot. Pero pag sinagot ko na daw sya sa isang kwarto nalang kame uupa para daw tipid tutal  naman daw palagi naman kameng sabay kumakain.

pag pasok ko sa pinto nag goodnight na ako sakanya nginitian nya ako at hinalikan sa noo .

" goodnight josh ko mahal kita " sabi nya sabay balik sa kwarto nya.

SINONG HINDI MAIINLOVE SA KANYA DIBA? ?

J O S H ❤

---------🌸🍂🌼--------

Diary Ni SeokMinWhere stories live. Discover now