17

399 25 7
                                    


Dear Diary,

Kanina pag gising ko ang sakit ng mata ko, bwisit na yan! iyak nalang ba palagi Josh? walang ibang alam gawin sa buhay?

Kailangan ko natalaga kausapin si Seok ey. Baka mamaya mag katotoo yung panaginip ko tsk!

Nichat ko si Hannie at Uji kinukwento ko sakanila yung panaginip ko.

" Tanga ka kasi ey ang arte arte mo , hindi ka babae josh kaya hindi lang dapat si seok ang sumusuyo sayo. Suyuin mo din sya gaga to " reply sakin ni Uji.

" Pasa mo nga sakin picture nung momo na yan ng maabangan ko mamaya , wag mong hayaan na maagaw nya sayo si seok! kahit mukang kabayo yun pangalawa sa pinaka gwapong kabayo yun! " reply ni hannie.

An; si Hobi kasi yung pinaka pogi sa lahat ng kabayo 😊 Kaya pangalawa lang si seok 😊

Tama sila kailangan ipag laban ko ang akin naman talaga .

Lumabas ako ng kwarto ko, nakita ko nakaabang sa pinto ni Seok si Momo.

Okey bakit ang aga neto?

Lalapitan ko sana si momo kaso biglang lumabas si seok sa kwarto nya tapos nag ngitian pa sila.

Hindi ko na talaga napigilan sarili ko kaya lumapit ako.

Nakita ako ni seok palapit kaya sinalubong nya ako, pero nilagpasan ko sya at kinumpronta si Momo.

" Momo di mo ba alam na nililigawan ako ni seok? bakit dikit ka parin ng dikit? mauubusan kaba ng lalaki? " pag tataray ko sakanya. Naiinis na kasi ako inaawat ako ni seok pero hindi talaga ako nag papapigil.

" alam mo bang iritang irita na ako pag nakikita ko kayong mag kasama? kung may hiya ka pa sa sarili mo, pwede hanap ka ng ibang malalandi? akin kasi to ey " sabi ko sakanya. Hindi naman sya sumagot at tumakbo palayo.

" ano bang problema mo josh? bakt mo ginanun si momo? ikaw nga itong hindi namamansin , ikaw pa nagagalit" naiinis na tanong nya.

" Gago kaba? porket di kita pinapansin manlalandi ka ng iba? " tanong ko sakanya.

" Ano ba? hindi ko nilalandi si momo ! " bulyaw nya.

" wag ako seok! sinabi na sakin ni momo na boto daw sakanya eomma mo. "

" Josh walang sinabing ganun si eomma myghad ! kaya ako lumayo sayo kasi sabi ni Eomma baka daw hindi pa talaga love yung nararamdaman ko sayo . Kaya bigyan muna daw natin ng space ang isat isa tapos pag napag tanto ko daw na mahal talaga kita . Matatanggap na nya tayo. "

" ey bakit iba yung sinabi sakin ni mina tsaka ni momo "

" isa pa din yang kapatid ko ey may gusto nga kasi sya sayo kaya sinisiraan nya ako. Tapos sinabi sakin ni momo na plano talaga ni mina lahat ng yun para mag hiwalay tayo. Para mapunta ka sakanya tapos kaya daw pumayag si momo para mapunta ako sakanya . "

" ey gago pala yang mga yan ey ! pero bakit nag lalandian parin kayo ni momo?"

" Hindi kame nag lalandian , sabi nya tutulungan nya daw ako makipag ayos sayo para makabawi "

" tulong! nilalandi ka nga " bulyaw ko sakanya tapos binuhat nya ako na parang sako ng bigas at inakyat nya ako sa rooftop dito sa dorm . Nag sisisigaw pa ako na ibaba nya ako, ang dami ngang nakatingin samin na mga nag dodorm din dito pero sabi nya lang " Wag kayo makialam , away mag asawa to " sabi nya tapos tuloy na umakyat sa rooftop.

Pag dating dun, may naka set na parang may mag dadate.

Ang daming mga decoration dun, may mga ballons , flowers , madming hearts.

" tinulungan nya akng ayusin yan kahapon  " sabi nya, hindi naman ako nakapag salita.

" Mapapatawad mo paba ako?" seryosong tanong nya.

Hindi naman ako umimik sa halip ay hinalikan ko nalang sya bilang sagot.

Namiss ko talaga sya , kahit palagi ko naman sya nakikita iba parin pag nandito sya sa tabi ko :)




J O S H ❤

-----------------💮💮💮--------------

Diary Ni SeokMinWhere stories live. Discover now