Dalawa

5.5K 100 86
                                    

Stephanie sat on the bench, stunned.  Pagkatapos nyang umiyak at magsisisigaw, natulala na lang sya habang nakaupo.  She didn't know how long she had been sitting there or how many people saw her acting baliw, pero wala na syang pakialam.  Nasira na ang plano nya.  She didn't even last a whole day before having to go back to her parents' home.  Nakakainis naman kasi si Kuya Holdaper! she thought angrily.  Panira ng araw!  Nakuha pa lahat ng pagmamayari ko!

"Ate," sabi ng babaeng di nya namalayan na katabi nya na pala.  Mukhang kasing edad nya lang ang babae.

"Yes?" Stephanie looked at the woman next to her.

"May sinasabi ka ba?"

"Ah, wala naman.  Bakit?"

"Kanina ka pa kasing parang may binubulong dyan eh."

"Ah, ganun ba?"

"At anong nangyari sa yo?  Napansin ko kasi may punit yang damit mo sa likod."

Stephanie reached for her the hem of her shirt to see the back side of it.  Totoo nga ang sinabi nung babae, may punit nga.

"Ano ba naman yan!" Stephanie screamed again.  "Bagong bago pa to!  Kabibili ko lang sa Singapore.  Nakakainis ka talaga, gagong magnanakaw ka!  Di man lang nagingat.  Nakakainis!  Naiimbyerna ako!"

"Teka, magnanakaw?  Na hold up ka ba?" kumunot ang noo ng babaeng katabi nya.

Stephanie slowly nodded her head.  "Oo eh."

"Buti hindi ka naman nasaktan."

"Oo nga, pero nakuha nya lahat.  I don't have any money.  I don't even have money to go home," Stephanie frowned.

"Ako nga pala si Carlota; Lota for short," she extended her hand for a handshake.

"I'm S...Gigi," Stephanie shook the other woman's hand.

"SGigi?" Carlota asked, puzzled by the weird name.

"Hindi, Gigi lang. Sorry, nasamid lang."

"Ah, okay.  Ano bang pwede kong maitulong.  Kawawa ka naman pala."

"May cellphone ka ba?  Pwede ba akong makitawag?"

"Ah, naubusan na kasi ako ng load eh.  Sorry, Gigi ha."

"Ay, ganun ba? Paano na yan?"

"Naghahanap ka ba ng trabaho?  Siguro pwede ka namang sumama sa akin.  Actually, first day ko kasi sa trabaho today at dalawa kaming pinadala ng agency.  Kaya lang, namatayan yung kasama ko kaya hindi na muna sya makakaumpisa sa trabaho.  Baka kailangan mo ng trabaho?"

"Talaga?  Anong klaseng trabaho naman yan?" Stephanie queried.

"Housekeeper.  Dun nga ako papunta ngayon eh."

"Saan?"

"Sa La Union.  May balikbayan daw na dun na muna titira sa La Union.  Ang alam ko lang, bata pa yung mayari ng bahay."  May kinuha si Carlota na papel sa bag nya.  "Ayun, si Mr. Ashton Ordonez."

"Housekeeper talaga ang kailangan?  Hindi ba personal shopper or party planner ang kailangan?" Stephanie asked hopefully, pero tinignan lang sya ni Carlota na parang naweirduhan.

"Well, ang alam ko, cook naman yung dapat kasama ko.  Ako yung housekeeper and tagalaba.  Marunong ka ba magluto?"

"Hmmm..." yun lang ang naisagot ni Stephanie.  Sa totoo lang, she was used to eating out at the finest restaurants or having their family cook make her everything her heart desired. 

Losing ControlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang