Labing Isa

4.5K 103 127
                                    

Bakit ganun?  Bakit ang sarap nyang humalik?  Dahil sa pagmumunimuni ni Stephanie ay hindi nya namalayan na napabuka na pala ang bibig nya at lumalim na ang halikan nilang dalawa.  She didn't realize na she was fully backed up against the wall now, his body pressing into her, his hands moving from her face to fist into her hair.   He played his tongue with hers, enjoying that she gave as good as she received, just as he expected.  He smiled against her lips when he heard her mewl in pleasure.  Grabe, ano yun?  Ang landi lang, ha!  Teka, was that me? Fudge, I don't care.  Abo.  Level: Expert. 

Ashton pried his lips away from hers, although their noses remained touching.  He chuckled as her lips subconsciously chased after his.  "Ang ganda mo talaga, Gigi," he whispered the words against her cheek.

Dumilat na si Stephanie sa narinig.  "Ha?"

As soon as the words escaped her lips, he crashed his lips back down to hers.  Her arms wound around his shoulders and he pushed her back against the door, a little too roughly na kumalabog ang pinto.  Naghahalikan pa rin sila ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Sir Ashton?" tanong ni Carlota sa kabila ng pinto.  "Okay lang po ba kayo?"

"Ha?" kumalas si Ashton kay Stephanie.  "Shhh," he whispered into Stephanie's ear while still fully against her, his arms still wrapped around her waist.

"May narinig po kasi akong kumalabog nung padaan ako.  Okay lang po ba kayo?"

"Yes, I'm okay.  Salamat sa concern."

"Sige po, Sir," sagot ni Carlota at umalis na sa tapat ng pinto ng opisina ni Ashton.

"Sabi ko na nga ba eh, may pagnanasa ka talaga sa akin," he said with a low chuckle before kissing her jaw.

"Ako ang may pagnanasa pero ikaw ang halik ng halik dyan?" mataray na sabi ni Stephanie pero tinaas pa nya ang ulo nya para mahalikan ni Ashton ang leeg nya.

"Nagpapahalik ka naman," he went back to her lips and kissed her.

"Eh ikaw ang amo ko eh, baka masisante ako pag di ko sinunod ang gusto mo," she sarcastically said.

"Mabilis ka naman palang sumunod pag ito ang gusto ko eh."

"Baka gusto mong matuloy na ang pagsampal at pagtuhod ko sayo?" she finally pushed him off of her and smoothed her now disheveled hair.  She also smoothed her uniform and made a move to open the door.

"Saan ka pupunta?" Ashton held her arm.

"Mamamalengke.  Unless gusto mong huwag maglunch dito."

"Sige, samahan na lang kita, tutal wala naman si Eman ngayon dito para ipagdrive ka."

"Ay, Sir Ash, huwag na po.  Kaya ko naman pong magtricycle."

"Ang galing galing.  Kung maka 'po' parang di tayo naghahalikan kanikanina lang ha," he smirked at her.

"Hmmp," she rolled her eyes and opened the door.  

Sinundan ni Ashton si Stephanie at hinawakan ang kanyang kamay.  Hinila nya si Stephanie papunta sa kanyang motorcycle.  "Lota, sasamahan ko lang si Gigi mamalengke dahil wala si Eman dito.  Pakibukas ang gate."

"Sige po, Sir," sabi ni Carlota na halatang kinikilig.  Kinindatan nya si Stephanie at nag-thumbs up ng hindi na nakatingin si Ashton sa kanya.  Stephanie widened her eyes at Carlota at sinenyasan na tumahimik ito.

Sinuotan na ni Ashton si Stephanie ng helmet at tinulungan nya pa itong ayusin ang chin strap.  Nauna ng sumakay si Ashton at tinulungan si Stephanie na umupo ng maayos sa likuran nya.  Napahalakhak si Ashton kasi parang naiilang pa ang dalaga humawak sa kanya.  

Losing ControlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora