Lima

4.9K 96 120
                                    

Stephanie stood there awkwardly as one man, Enzo, stared at her admiringly and the other, Ashton, looked at her grimly.  She wasn't sure which stare made her uncomfortable.  Geez, why did they have to know each other?  Oh well, pareho ko lang naman silang tinarayan, so quits lang sila. 

"Gigi, why don't you join us for dinner?"  Enzo broke the silence that enveloped them.

"Oh, no, Sir Enzo.  That's okay," medyo nahihiyang sabi ni Stephanie.  She didn't even want to be in the same room with them, much less actually join them for dinner.

"Bro," binalingan ng tingin ni Enzo si Ashton.  "Okay lang naman, diba?  Asan ang mga plato?  Ako na ang magsiset ng place mo, Gigi."

Akmang pupunta na ng kusina si Enzo ng magsalita ulit si Stephanie.

"Enzo, ano ka ba.  Okay lang talaga.  Ang mabuti pa, kumain na kayo bago lumamig ang pagkain," pinaghila pa ni Stephanie ng upuan si Enzo.

"Gigi, join us," biglang sabi ni Ashton na umupo na sa kanyang place sa head of the table.  "Makulit talaga yan si Zo kaya for your peace of mind for the sake of my sanity, umupo ka na  dyan at saluhan kami."

"Opo, Sir Ash," nagngingitngit na sagot ni Stephanie.

Kumuha na sya ng place mat, plato, kubyertos, at baso at umupo sa tabi ni Enzo.  Tinignan lang sya ni Ashton habang inaayos nya ang kanyang lugar.  Nagtataka kung bakit dun sya umupo at hindi sa tapat ni Enzo at sa tabi nya.  Nang naayos na ni Stephanie ang kanyang lugar ay si Enzo na mismo ang nagsandok ng kanin at ulam para sa kanya.  Nahiya ulit si Stephanie kasi parang sya pa ang bisita at dahil na rin sa pagtitig ni Ashton sa kanya.

"That's enough, Sir Enzo.  Marami na po iyan," pagpigil nya sa binata.

"Please drop the formalities, Gigi.  Ibang iba ka ngayon, ha.  Is it because nandito si Ashton?" natatawang tanong ni Enzo.

"Ha?  Bakit?  Ano bang nangyari?" interesadong tanong  ni Ashton.

"I guess I came on a little too strong with Gigi kanina, so natarayan ako."

Biglang natawa ng malakas si Ashton. "That's my girl..." sabi nya na para bang proud na proud sa ginawang pagtataray ni Stephanie kay Enzo.

Huh?

Napatingin si Enzo and Stephanie sa narinig nila.

"Mataray talaga yan," continued Ashton.  "Ako nga na boss nya, tinatarayan nya, ikaw pa kaya."

Stephanie gave Ashton a death glare, earning her a wink from him.  Instead of yelling at him, she just focused on her food.  Naalala nyang kailangan nya munang magpakabait kay Ashton para hindi sya mabisto.  Tahimik na lang syang sumubo ng pagkain para di na sya mairita sa Abong yun. 

"Alam mo, Gigi, ang sarap nito!  The best adobo I've ever tasted," pagpuri ni Enzo sa kanya.

"Really?" Gigi looked at Enzo and smiled brightly.

"Oo, ang sarap!  Pero mas masarap pa pala makita ang ngiti mo."

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Stephanie.  Bakit ba ganito ang batang ito?  Hay, hijo, di tumatalab sa akin ang mga panis mong pick up lines!  Once again, she just shoved a spoonful of food into her mouth.  Naramdaman nyang nakatitig lang si Ashton sa kanya, and she took a peek from the corner of her eyes.   Tama nga sya, he was looking at her while slowly chewing his food.  She wasn't even finished with her food yet when Enzo tried to scoop some more rice and ulam onto her plate.  She politely declined and hurried to finish her food.

"May I be excused?" tanong nya sa amo nya at tumayo na bago sya payagan ni Ashton.

"Tapos ka na?" nabigla naman si Enzo sa sinabi ni Stephanie.

Losing ControlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora