Anim

4.8K 94 154
                                    

"Lota, please!  I will do your labada if you cook breakfast!  Sige na, please?!  Oh pretty please?!"  Stephanie pouted her lips for full effect.

"Gigi, ano ka ba?  Eh ikaw nga ang cook dito, hindi ba?"

"Sige na, please.  Just today.  Basta, I'm not feeling well eh.  Gusto kong matulog for one more hour," pagsisinungaling nya.

"Ay ganun ba?  Anong masakit?  May lagnat ka ba?" lumambot ang mukha ni Carlota at nilapitan si Stephanie.  Tinignan nya kung mainit ang temperature ni Stephanie.

"Wala naman akong lagnat pero umaatake ang migraine ko.  Hilong hilo ako, so please, ikaw muna ngayon?  Sunny side up eggs tsaka yung grilled sausage.  Balikan mo na lang ako pagka tapos ka na.  Ako na lang ang magseset up ng table."

"O sige, magpahinga ka na lang muna.  Uminom ka na ng gamot."

"Okay.  Salamat, Lota!  The best ka talaga!"

Pinikit na lamang ulit ni Stephanie ang mata nya habang nagluluto si Carlota ng almusal ni Ashton at Enzo.  Hindi pa kasi sya nakakapanood ng tutorial on how to cook sunny side up eggs.  Mamaya isang dosenang itlog nanaman ang masayang dahil palpak nanaman sya.  Kapag nangyari yun, hindi nya na alam kung anong palusot naman ang sasabihin nya kay Ashton.  Pagkatapos ng thirty minutes ay bumalik na si Carlota sa kwarto nila at sinabihan syang tapos na yung almusal na niluto nya.  Nagbihis naman si Stephanie ng uniform nya at nagpaalam kay Carlota na bibili muna sya ng pan de sal. 

"Magpasama ka na kay Eman."

"Huwag na, busy sa pagtubig ng mga halaman.  Magta-tricycle na lang ako.  Malapit lang naman."

"Okay, sige.  Magingat ka.  Okay na ba ang migraine mo."

"Okay naman na.  Sige, Lota, ha.  Pag may naghanap sa akin, sabihin mo bumili lang ako ng pan de sal."

"Sige.  Dalhin ko na lang itong mga niluto ko sa main kitchen."

Lumabas na si Stephanie at hindi pa sya nakakalabas ng narinig nya si Enzo na tinatawag sya.  She turned around and found him jogging to her, wearing the most illegally beautiful smile so early in the morning.

"Good morning, Hijo," she smiled sarcastically.

"Good morning, Lola," he replied with a laugh.  "Saan ang lakad?"

"Ah, bibili lang ako ng pan de sal.  Ang aga ng gising mo ha?"

"I'm a naturally early riser.  Sige, samahan na kita."

"Ha?" nagulat si Stephanie sa offer ni Enzo.

"Ay bingi?  Lola ka na nga talaga," he winked at her.  "Samahan na kita.  Baka mamaya, makidnap ka pa dyan."

"Loko ka.  Bakit naman nila ako kikidnapin eh bente pesos lang ang dala kong pera.  That's too much desperation, even for the probinsya," she laughed.  Natawa na lang din si Enzo.  "Okay, fine, pero maglalakad lang ako, o tricycle pag may dumaan.  Baka mapagod ka?"

"Ako pa?  Mapapagod?  Strong ata ito," he flexed his muscles on his biceps and grinned at Stephanie.  Napatili naman ang dalaga ng bigla na lang syang binuhat ni Enzo at tumakbo papuntang gate. 

"Ano ka ba, ibaba mo ko!" she slapped his shoulder.

"Eh ang bagal mo eh.  Akala ko ba nagmamadali ka?"

Nagtatawanan pa rin sila ng bumalik sila galing sa bakeshop.  Umikot sila papuntang swimming pool at doon na lang papasok kesa sa main door ng bahay.  Hindi nila namalayan na gising na rin pala si Ashton at katatapos lang mag swim ng laps sa pool.  Nilapitan ni Ashton ang dalawang nagtatawanan, his lips in a thin line.

Losing ControlWhere stories live. Discover now