Chapter17

5.3K 131 1
                                    

Chapter17

1month and 2weeks passed, hindi ko siya pinapansin. 'Yong tipo na ako lang ang tao sa unit at walang ibang kasama. Ganern!

Gustong-gusto kong magmove-on, pero bakit ang hirap gawin? Nakalimutan ko na 'yong sakit, pero siya? Jeez!

Kahit anong gawin kong pag-iwas sakanya, wala eh! Still, gustong-gusto ko pa rin talaga siya. Juiceme!

Naloloka na ang dyosa, over-over! To the highest maximum level.

Anong bang klaseng pana ba ang ginamet ni kupido? Para ako na ang tumurok sa dibdib ng tuod na 'yon. Jusko!

Pero syempre, ayokong ipamukha sa kanya na gustong-gusto ko pa rin siya. You know!

Galit-galitan lang ang peg ng dyosa, tamporurot kumbaga para lambingin. Charoot!

Hays! Nakakaloka ang life ni me, juskopo!

Bongga ang routine ng dyosa, maagang aalis ng unit tapos uuwi 9:00pm na, lakwatsa muna ang diwata sa fairyland no. Para paguwi matutulog nalang. Juiceme!

Inaaliw lang ang self to forget him, but effect fail mga des! Di kaya ng hart-hart ko, Jusmio perdon!

"Lutang ka na naman" Sabay batok ni anya sa'kin. Nasa house kase nila ko, tumatambay. Lol!

"Makapambatok naman sistabes, over-over! Hart-hart ko kaya ang batokan mo ng matauhan, kaloka!" Reklamo ko.

"Haha, Wala ng pag-asa 'yan, landiin mo nalang ulit hanggang sa mahulog sa sa'yo" Kalokang advice. Juiceme!

"Gaga! Tuod nga 'yon si razey baby. Nahahaggard lang ako sa panlalandee sakanya. Jusko! Laslas pulso nalang this" Inirapan ko siya.

"Laslas pulso ba? Bigyan na ba kita ng matalim na kutsilyo, kukuha ako sa kusina" Sabay tawa niya.

"Blade ang mostly na ginagamit kapag naglalaslas, gaga! ayoko ng kutsilyo" Tumawa siya.

Hay nako! Baliw na pregy, kaloka!

"Osha! Gora na si me, need ng dyosa ng mahabang beauty rest" Paalam ko sabay tayo.

"Sige, mag-imagine ka nalang na sweet and caring din siya sayo like seff" kalokang bruha to eh no?

"Chee! Ewan ko sayo anya" 'Yon nalang ang nasabe ko.

Paguwi ko ng unit sa bedroom agad ako nagtungo, nagpalit ng damit at nahiga sa bed.

Sa bahay nila anya ako nag-dinner kaya busog na 'ko. Hindi na kase ako nagluluto ng dinner dito no, sa labas na ako always kumakain before umuwi.

Syempre madalas mga co-officemates ko ang kasama ko, minsan si wayne lang.

Medyo naka-ramdam ako ng uhaw, tumayo ako para lumabas ng room. Gusto kong uminom ng juice kaya magtitimpla ako.

Paglabas ko ng room nakita kong umaakyat si razer na parang hirap na hirap umakyat ng hagdan.

Mukha siyang lasing sa itsura niya habang umaakyat, Jeez!

Denedma ko nalang siya, at nagtuloy-tuloy akong naglakad papuntang kusina. Nagtimpla ako ng juice sa isang baso at dinala 'yon patungong kwarto.

Bago pa man ako makarating sa kwarto ko may nakita akong patak ng blood sa floor.

*gasp*

Nabitawan ko ang basong hawak ko at nabasag 'yon sa sahig, denedma ko 'yon at mabilis na tumakbo paakyat ng hagdan.

Topless itong naabotan ko na nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama nito habang nililinisan ang tama nito sa braso.

Mabilis naman agad akong lumapit sakanya para tulungan siya sa paglilinis ng sugat.

DHS1: Married to a Rude Guy 🚬Where stories live. Discover now