Chapter 43

4.6K 114 7
                                    

CHAPTER43

TIFA's POV

Nakahinga ako ng maluwang pagkatapos kong makausap si Leveon, ang asawa ni Razer.

Straight forward siya kung magsalita, nahihiya ako dahil sa mga tanong niya. Lalo na nang tanongin niya ako kung mahal ko pa si Razer, sinabi ko naman ang totoo lahat sakanya. Mahal ko pa siya, pero tanggap ko na may asawa na siya ngunit hindi pa ako handang makaharap siya.

"Tiffany, ayos ka lang?" Gulat na tanong ni wayne sa'kin.

"Huh? Ah, Oo" Sagot ko tapos nginitian ko siya.

"Hahaha, may pinuroblema ka pa ba? Eh diba nagkausap na kayo ni Lev" Nakatawa niyang sabi. Umiling naman kaagad ako.

"Wala, pasensya ka na sa'kin. Ganito lang ako minsan" Nakangiti kong sabi.

"Mukha nga, Hehe" Sabi niya tsaka huminto at pinihit ang doorknob ng pinto. "Ito nga pala ang office ko, dito ka muna habang nasa conference room ako. Okay lang ba sa'yo?" Sabi niya habang nakasunod naman ako sakanya.

"Ah Sige" Sagot ko.

"Maupo ka" Turo niya sa couch. "May mga magazine sa table, magbasa-basa ka muna para di ka mabored. Mabilis lang naman ang conference na aattendan ko" Sabi pa niya. Naupo naman ako habang siya naman ay nag-aayos ng coat niya at pagkatapos kinuha ang binder na nakapatong sa lamesa niya.

"Nakakahiya naman sa'yo kung mag-sstay pa ko sa office mo, Pwede na siguro akong umalis" Busy siya at ayokong maka-istorbo sa trabaho niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Di ako nakasagot dahil wala akong mapupuntahan.

"D-dyan lang" Nahihiya kong sagot.

"Dyan lang? Diba wala kang mapuntahan, dumito ka muna. Mas safe ka pa dito, kung magpapalaboy-laboy ka sa labas eh baka may mangyaring masama sa'yo. Konsensya ko pa 'yon dahil pinayagan kitang umalis" Paliwanag niya.

"Osige" Tanging nasabi ko nalang at nginitian siya.

"So, iwan muna kita. Magbasa-basa ka nalang muna dyan, babalik din ako after an hour or a minutes" Paalam niya.

"Okay" Tipid na sagot ko. Paglabas niya kinuha ko ang isang magazine at binuklat 'yon.

Ilang minuto palang ang nakakalipas, bumabalik na naman muli sa ala-ala at isipan ko ang mga nangyari before.

Hindi ko lang matanggap na best friend ko pa ang may gawa nito sa'kin. Masakit, sobrang sakit.

Sinapo ko ang mukha ko na bakas ang peklat na ginawa niya, kasabay noon ang pagtulo ng mga luha ko.

>>FLASHBACK<<

"HAPPY BIRTHDAY TIFFANY" Sigaw ng mga bisita after I blew the candle and make a wish.

Sini-celebrate namin ang birthday ko dito sa barko, dito nila dad gustong i-celebrate ang kaarawan ko. Kasama ang mga invited na bisita na karamihan ay businessman.

Isa-isa kong nilapitan ang mga guest. especially Razer, My boyfriend. Akala ko hindi siya makaka-attend pero nandito siya kasama ang pinsan niyang si jiah.

"Happy Birthday Tifa" Bati ni Jiah.

"Thank you Jiah" Sabi ko tapos tumingin ako kay Razer.

"Birthday ko ngayon, Di mo ba ako babatiin?" Bero ko.

"Happy Birthday" Bati niya sa'kin. Napangiti nalang ako. "I have a surprise for you later" Blanko niyang sabi.

"Surprise gift?" Nakangiti kong tanong with excitement.

DHS1: Married to a Rude Guy 🚬Where stories live. Discover now