Chapter23

5.4K 132 2
                                    

Chapter23

Lunes ngayon. imbes na pumasok sa office, sumama ako kanila alex na pumunta ng Palawan. Birthday kase ni alex bukas at gusto niyang sa Palawan e-celebrate ang kanyang birthday.

Syempre, nagpaalam naman ako kay tito no. Malakas ako sakanya kaya pinayagan ako, iba talaga kapag dyosa. Lol!

Naglibot-libot agad ako sa lugar pagkarating namin ng Palawan, ilang beses na rin naman ako nakapunta dito pero 'di nakakasawang mamasyal at maglibang dito.

Medyo nainis lang ako kay razer na tuod dahil 'di man lang niya sinamahang ang kanyang dyosang asawa na mamasyal, sumama lang yata siya dito para magmukmok. Juiceme!

"Lets selfie ate!" Hila sa'ken ni Levi.

"O'fine" Sabi ko at nagpatianod sa hila ni levi.

Nang malaman ni mom at dad na pupunta kami ng Palawan pinasama nila sa'ken si levi para malibang naman daw. kaya heto, siya ang kasama kong naglalakad-lakad.

"Wacky ate" Say niya, nagwacky naman ako bigla. Tinignan agad niya 'yong picture namin tapos tumawa siya.

"What's funny?" Tanong ko sabay suot ng shades.

"Hahaha, ang cute mo dito ate. Para kang naipit na tuta, hahaha!" Tinignan ko naman agad 'yong kuha naming selfie.

Ako lang 'yong nakawacky saming dalawa, habang siya ang cool ng itsura sa tabi ko. ang sabi niya wacky eh, Argh!

"Pownyemas ka Levi, delete mo yan! Ampanget!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Haha, Bleeh! Ang cute nga eh" Sabi niya at bahagyang lumayo at kinalikot ang phone niya.

"Delete mo sabi Levi! Pepektosan kita, makikita mo!" Banta ko sakanya.

"De-delete ko na oh" Sabay pakita niya na denedelete 'yong picture namin.

"Goodboy!" Say ko.

"Pero na post ko na sa Instagram, naka-tag sa'yo. Hahaha" Sabay takbo niya.

"What the hell! Babalian kita ng buto Levi pagnahuli kita" Sigaw ko sakanya.

"Kung mahuhuli mo ko" Argh! Sakit sa head kung minsan kapag may kapatid na lalaking pasaway! Pagerd pa naman ako sa byahi, Juiceme!

Makikita niya mamaya, makakakuha siya ng instant batok with bonggang kurot sa tagiliran.

Pabalik na ako ng hotel ng makasalubong ko ang grupo ni renji.

"Kanina ka pa hinahanap ni razer" Say ni renji ng huminto sa harap ko.

Hinahanap niya si me? Owemji! Tumalon bigla si hart-hart, ewan ko kung sa kilig or kaba. Parang both eh. Lol!

"Mukhang galit nga noong hinahanap ka niya sa'min, nag-away ba kayo?" Singit ni Zion. One of renji's friend.

"Galit? Always namang galit 'yon. Chaaar!" Say ko, sabay bawi din.

"Haha, ayan na siya oh" Nguso ni kurt, friend din ni renji.

Tumingin naman agad ako sa may likoran ko, nakita ko siya nakasuksok ang isag kamay niya sa bulsa at may hawak namang yosi ang isang kamay nito.

"Doon muna kami leveon" Paalam ni renji, bumalik ang tingin ko sakanila.

"Okay" Say ko with wide smile, tumango naman sila at naglakad na palayo.

"Where have you been?" Agad na tanong nito ng makalapit. Nilingon ko naman siya at hinarap.

"Dyan lang, naglakad-lakad. Namimiss mo agad ang dyosa?" Say ko.

Kapag nasa harap ko siya landee overload, tuod siya 'diba? Need ng bonggang bonggang lande para bumigay ng todo max. Oha!

DHS1: Married to a Rude Guy 🚬Where stories live. Discover now