Chapter59

5.8K 127 5
                                    

Chapter59

LEVEON's POV

Umalis kami ng sobrang aga at sumakay sa isang private jet, pupunta daw kami sa isang event. Syempre excited din naman ang dyosa dahil beach resort daw ang pupuntahan namin, gabi palang  hinanda ko na agad ang bikini's ko dahil mukhang mapapalaban ako ng swimming sa beach.

Umaga palang nasa hotel na kami ng resort, kami palang ang tao sa resort at pinayagan na kaming magcheck-in dahil kilala si razey baby bilang guest sa event.

"Wow! Ang ganda dito. Nakakarelax ang hangin, Grabe!" Amaze na sabi ko ng dumako ako sa terrace ng room namin.

"This resort was owned by your parents wifey" Tigagal akong napakurap ng lingonin ko siya.

"R-really? Itong kalaking villa resort pagmamayari ng parents ko? Di nga!" 'Di makapaniwalang sabi ko.

"Yeah....did you see that rest house over there?" Sabay turo niya sa isang malaking bahay na kumikinang sa kaputian kahit nasa malayo. Agad akong tumango ng makita ko ang tinutukoy niya. "That's my rest house 'our' rest house, diyan ako parating pumupunta noong nangungulila ako sa'yo wifey" Sabi nito sa'kin.

"Seryoso? Ang ganda ng rest house, Jusko! Gaano ka ba kayaman razey baby, Jusme! Pinanganak ka yatang silver spoon" Say ko dito.

Lahat kasi ng bagay na nakikita ko mula sakanya ay puro mamahalin, magpatayo palang ng mala-mansion na bahay sandamakmak na pera na 'yon.  May apat na kotseng rin siyang mala-sports car at BMW tapos bonggang rest house? Juskopo!

*knock-knock*

Pareho kaming napatingin ng may kumatok sa room namin, dali-dali namang tumakbo mula sa paglalaro si baby cali para buksan ang pinto.

"Tito Leviii, Waaaaahh!" Nagpakarga ang baby ko sa tito niya ng pumasok si Levi.

"Tae, parang bumigat ka Cali. Madudurog ang buto ko sa'yo, Mweshit!" Sabi ni Levi dahil parang lintang naka-kapit ang baby ko dito.

"Tito, what is tae? Can you explain what is the meaning of that word?" Nako, nagiging echusero na naman ang Cali baby ko.

"Tae is....poopmalu! Hahahahaha" Napa-ismid ang baby spike ko sa tawa ng tito niya.

"Corny! Get lost mongoloid, you are disturbing me" Bumalik ito sa pagbabasa pagkatapos nitong irapan ang tito niya.

Natawa ako sa naging reaction ng kapatid ko, Lol! Ewan ko ba, pero tuwang-tuwa ako kapag nagtatalo ang mag-tito na 'to. Jusme!

"Kung legal magtapon ng masungit na bata sa dagat, sisisiguradohin kong magiging tinga ka lang ng pating bubwit!" Sabi nito.

"I don't care, my 'care' was expensive. You cant afford!" Supladong saad ng spikey baby ko.

Si razey baby naman mukhang walang balak awatin ang dalawa. Jusme!

"Talagang...."

"Hep-hep-hep! Ayan na naman kayo, Tama na nga 'yan. Anyways, bakit ka pala nandito Levi?" Pumagitan na ako sa magtito, baka umabot sa rambolan ang mga 'to kawawa ang baby ko. Lol!

"Wala naman, gusto ko lang kayo makita ate. Except sa isa dyan!" Sagot nito.

"Tito lets make a sand castle" Pagyaya ni Cali kay Levi.

"Next year nalang, we make 140 inches of sand castle" Paberong sabi ni Levi dito.

Lumabas kami ng room para makapamasyal sa buong resort, maganda ang kabuohan ng paligid. Nakaka-amaze ang garden maging ang white sand na tinatapakan namin.

Napa-pikit ako at napahinto sa paglalakad ng makaramdam ako ng pananakit ng ulo, simula ng maalala ko ang mga bagay na meron kami ni razer noon, parati ng sumasakit ang ulo ko. Pero ayaw ko muna sakanyang sabihin, dahil hindi pa naman buo ng ala-ala ko.

DHS1: Married to a Rude Guy 🚬Where stories live. Discover now