Chapter51

4.8K 103 2
                                    

Chapter51

DYLAN's POV

Ilang buwan na din ang lumipas, Ang buong akala ko talaga ay sasabihin ni Seff kay Leveon na kasali ako sa Grupo ng nangbugbog sakanya.

Alam kong napatawad na niya ako pero nararamdaman ko pa rin ang galit niya dahil sa nangyare sakanya. Hindi ko 'yon ginusto at talagang pinagsisihan ko ang lahat nang 'yon, dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit muntikan pa siyang mapahamak at mapatay.

Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang araw ng harapin ko si Clyde para tumiwalag na sa Grupo niya.

>>FLASHBACK<<

Pinatakbo ko ang kotse sa kalagitnaan ng malakas na ulan para kausapin si Clyde.

Mga bandang alas onse imponto ng dumating ako sa hide out, naroroon ang ibang myembro ng fist electron at mukhang seryoso ang mga ito sa pag-aayos ng mga bagong import na baril.

Tinungo ko kaagad ang underground laboratory nitong Hide out. Alam kong doon ko matatagpuan si Clyde ng ganitong oras.

Pagpasok ko ng laboratory, pumunta ako sa isang experiment room kung saan nakita kong pumasok si Clyde.

Bumungad sa'kin ang masangsang na amoy. Inabot ko ang facemask para gamitin upang hindi 'ko malanghap ang nakakapanakit ng tiyan na amoy na 'yon.

Nakita ko siyang may hawak na injection at marahang itinurok niya 'yon sa isang bangkay.

"Mabuti naman at naligaw ka ulit dito" Aniya habang may isang kulay berdeng likido ng gamot mula sa maliit na bote ang isinalin nito sa injection.

"Kailangan nating magusap" Sabi ko.

Hindi siya sumagot at muli niyang tinurokan ang bangkay. Humarap siya at naglakad.

"Sa labas tayo" Nauna siyang lumabas ng silid bago ako lumabas at tinanggal ang facemask sa mukha ko.

Naupo siya sa kanyang swivel arm chair pagkatapos niyang tanggalin ang suot nitong facemask at hinarap ako.

"Tumitiwalag na 'ko" Umpisa ko.

Ngumise siya at napasandal sa kinauupuan nito.

"Ano naman ang nag-udyok sa'yo para tumiwalag sa grupo?" Maawtoridad nitong tanong. Napa-iwas ako ng tingin.

"Hindi ko na kaya" Sagot ko. "Hindi ko na masikmura ang ginagawa nang grupo natin" Madami ng napatay si Clyde, makuha lang ang gusto niya.

Saksi din ako sa mga illegal business na pinapasok niya, kahit noong bago palang ako sa grupo. Siya ang nagturo sa'kin humawak ng baril, maging wise at matapang pati na rin ang... Pumatay!

"Napaka-babaw na rason!" Nagulat ako ng ibagsak nito ang palad niya sa lamesa. Napatikhim nalang ako. "Wala kang silbi!" Galit na napakuyom siya ng kamao.

"Alam ko. kaya nga ako tumitiwalag na sa grupo clyde" Sarkastikong sumbat ko.

"Sige! Pumapayag ako, pero sa isang kondisyon" Ngumise ito. Napalunok lang ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Kakalas ka lang sa grupo kapag nagawa mo ang operation"

"Paano kung hindi ako sumunod?" Saad ko.

"Papatayin ko ang daddy mo" Shit!

Matagal bago ako nakapagsalita. Kahit na may galit ako sa daddy 'ko ay hindi ko pa rin hahayaan na mangyaring 'yon sakanya.

"Deal!" Sabi ko at nag-angat ng mukha. "Kailan ang operation?" Tanong ko pa.

"Maghintay ka lang, tatawagan nalang kita kung kailan" Makahulogang sagot nito at iniwan ako.

DHS1: Married to a Rude Guy 🚬Where stories live. Discover now