Chapter54

4.3K 112 8
                                    

Chapter54

STACEY's POV

Kasalukuyan akong naninigarilyo nang mapalingon ako sa kumatok sa naka-awang na pinto nitong silid ko, dito sa parin sa hide-out ni Clyde.

"Ma'am, dala na ni Boss Marcus at Kuya Gorio ang babaeng pinapakidnap niyo" Sabi ng lalaking mukhang bata pa kung titignan. Nakatungo lang ito at hindi makatingin sa'kin.

Pinatay ko muna ang sigarilyo bago ko hinugot ang drawer na nasa harap ko para kunin ang maliit na bote na may lamang pinaghalo-halong prescription drugs na nakuha ko sa laboratory ni Clyde, tsaka dali-daling lumabas ng silid, hindi na 'ko makapaghintay na saktan ang babaeng 'yon sa mga kamay ko.

*evil-laugh*

"Asan?" Kaagad kong tanong ng makasalubong ko ang malaking taong si Gorio.

Hindi ito sumagot, lumingon lang ito para ituro kung saan nakapwesto ang pinapadukot kong si Leveon.

Mukhang wala itong malay habang naka-gapos at nakaupo ito sa isang silya, nakagapos din ang paa at naka-posas sa likod nito ang mga kamay at may piring.

"Good job boys!" Ngingise-ngise kong sabi habang naglalakad para lapitan ng masinsinan si Leveon. "Wala ba itong malay?" Tanong ko habang nakaturo ang aking daliri sa gagang si leveon.

"Wala" Mabilis na sagot ni Marcus.

Tinanggal ko ang blindfold nito tsaka mabilis na binigyan ng malakas na sampal sa mukha. Sa lakas ng pagsampal ko sakanya, namula agad ang mukha nito. Nagpabaling-baling lang ang ulo nito ngunit hindi pa nagmumulat ng mata.

"Bigyan niyo ko ng tubig" Utos ko, ngunit walang kumilos sa mga tauhan ni Clyde ng lingonin ko ito. "Ang sabi ko, bigyan niyo 'ko ng tubig! Bingi ba kayo?!" Sigaw ko sa mga ito. Nagtinginan lang ang mga ito at nagturuan pa bago sumunod sa pinaguutos ko.

Mga bwesit!

"Heto na ho" Nilagay nito ang isang balde ng tubig sa harap ko.

"Ako ang gagawa? Bobo ka ba?! Ibuhos mo sa kanya, Tanga!" Duro ko kay Leveon.

"Buntis ho siya, baka siponin—"

"Susunod ka? O babarilin kita?" Bulyaw ko ng mahugot ko ang baril nito at itinutok sakanya.

Lumunok muna ito bago ako nito sinunod para buhusan ng tubig si Leveon. Napamulat naman ang gaga matapos mabuhosan ng tubig.

Muli ko siyang nilapitan at ngumise ng nakakaloko ng makita niya ako sa harap niya, nanggagalaiti naman ito sa galit habang nakatingin sa'kin.

"Walang hiya ka talaga stacey!" Sigaw nito sa'kin. Tumawa naman ako dahil hindi niya magawang makaalis sa pwesto niya.

"Hahahaha, Ano ka ngayon leveon? Sa tingin mo papayag akong hindi maka-ganti? Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa'kin, Paki-alamera!" Tumawa ako ng malakas sa harap niya. Lumapit ako ng mas malapit pa. "Wala kang magagawa—*PWEE!*"

Napa-atras ako ng durahan niya ang mukha ko. Bwesit!

*PAK*

Isang malakas na sampal ang iginanti ko sa mukha niya dahil sa pandudura niya sa'kin, hinablot ko ang buhok niya. Napatingala siya dahil sa lakas ng pagkakahawak ko sa buhok niya.

"Pahihirapan kita, hanggang sa mamatay ka leveon. Kasama ang anak mo!" Sabi ko ngunit nagawa pa niyang maigalaw ang ulo niya mula sa pagkakahawak ko sa buhok niya para makagat ako nito sa braso.

Hayop!

Napa-atras ako dahil sa sakit ng pagkaka-kagat niya sa braso ko, Bumakat sa braso ko ang kagat niya at namumula pa.

DHS1: Married to a Rude Guy 🚬Where stories live. Discover now