Chapter II

5K 180 9
                                    

CHAPTER TWO

"YOU know that I never understand why you keep on looking at her photo, when you could just find her" He was caught off guard, gising na pala si Riley.

He let out a sigh "For what?".

Hindi naman siya tanga dahil kung pwede lang ay matagal na niyang ginawa.

"To end your misery and insanity! For the past five years, Vhal wala ka nang ibang ginawa kundi kausapin at tignan ang litrato niya. Kaunti na lang mababaliw ka na" napailing si Riley but he don't understand.

"To end my misery and start hers" tumingin siya dito. "Are you really this stupid when it comes to love? I left her, Riley. Kung magpapakita ako sa kanya baka masaktan ko lang siya ulit and I can't.." tinago na niya ang litrato.

Hindi naman mauunawaan ni Riley ito, ni wala ngang girlfriend eh.

"Vhal, women are the strongest human being in this world. Break them and they'll get back on their feet, to prove it to all the assholes who dumped them like you, that you are not worthy to be desperate about" He smiled and looked away.

So what is he suggesting? "Are you trying to say na hanapin ko siya at panoorin ko kung paano siya nagiging masaya kahit wala ako sa buhay niya?" Gago ka ba?

Riley laughed dahil napapansin na niya ang pagkapikon ni Vhal lalo na kapag si Natalie ang usapan.

"Vhal, what I'm trying to say is that maybe she has already moved on from what happened between the two of you" humarap ito sa kanya at pinatong ang isang kamay sa balikat. "Maybe you need to move on, too." 

Nanahimik na si Vhal, paano nga kung tama si Riley? Paano kung matagal ng nakalimutan ni Natalie ang ginawa niya dahil mayroon na itong bagong...mahal?

Pinikit na lang niya ang mga mata at nagbakasakaling makalimutan na lamang ang desisyong habang buhay niyang pagsisisihan.

~¤~¤~

TANGHALING tapat sila nakarating sa Nueva Castillo, kung iisipin ay para itong isang probinsya pero hindi.

Nueva Castillo is an exclusive island country club owned by the Rodriguez family. Maraming sikat na artista, athletes, mga politiko at businessman ang nagbabakasyon rito.

"Good afternoon, Mr. Fernandez and Mr. Castroverde" bati sa kanila ng receptionist.

"Hello, Czarmaine" bati ni Riley dito. "Nandito pa ba sila Dad?" Tanong niya rito.

"Actually he just left but your sister, Zacharie is here" nanlaki ang mga mata ni Riley, anong ginagawa ng magaling niyang kapatid dito?

"What is she doing here? May pasok pa ang mga college hindi ba?" Tanong nito kay Czarmaine.

"Oh, she's with her friend. I thought kaya kayo nagpunta dahil kasali kayo sa tournament" napahubad ng aviator shades si Vhal.

"Tournament?"

"Oh yes, Car Racing tournament for a cause. You know, fundraising for the charity. You know how rich people do such things" she chuckled.

Oh, well. That's new, ngayon pa lang magkakaroon ng ganitong event sa Nueva Castillo.

"Oh well, of course you'll be joining later Mr.Fernandez, right?"

"I'm here for vacation, I'll just watch perhaps" Sagot naman ni Vhal.

"Okay great, the tournament starts at 5 P.M sharp!" Nagpaalam na sila Riley at Vhal as Czarmaine gave them the room keys.

"It's only 2 P.M, I'll just sleep for a while. Ikaw ba?" Tanong niya kay Riley habang naglalakad papunta sa kwarto.

Unsaid SacrificeWhere stories live. Discover now