Chapter XIV

3.4K 114 4
                                    

CHAPTER FOURTEEN

VHAL returned to Nueva Castillo with a heavy heart. Sino bang hindi bibigat ang dibdib sa naging kumprontasyon nila ni Natalie?

Damn..

Inangat niya ang baso't dinirecho ang paginom sa alak. Alam niyang hindi solusyon ang alak para sa problema pero...

"Hey.." napalingon siya sa pinsang si Jader. Mukhang alam na nito ang nangyari. "How are you?"

Vhal shrugged his shoulder. "I feel numb as fuck, dude" sabay inom muli.

"Paano ka hindi mamamanhid? Alak pa ang ininom mo" ani Jader pagkuwa'y kinuha ang baso't inilayo sa kanya.

"What the--"

"C'mon, let's find you something to eat. Food is life, dude" hinila siya nito papalayo sa bar at dinala sa kusina.

Literal na kusina ng Nueva Castillo. Perks of being the owner, nakakapasok sila rito at pwede nilang gawin ang kahit anong gusto nila.

"Sit" ani Jader, umupo naman siya sa steel chair at pinatong ang mga siko sa may steel counter.

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong niya. "Akala ko ba kakain tayo, sana nagparoom service na lang tayo" dagdag pa ni Vhal.

Binuksan ni Jader ang fridge at kinuha sa freezer ang chocolate ice cream, pagkuwa'y kumuha ng dalawang kutsara at nilapag ito sa harapan ni Vhal.

"Ice cream?" Nakakunot ang noo niya. "Seryoso ka?" He let out a fake chuckle.

Umupo sa harapan niya si Jader at nagsimulang sumandok ng ice cream. "Mukha ba akong nagbibiro?"

"Anong tingin mo sa akin, bata?" Napailing na lang siya at kinuha ang kutsara't sumandok na rin ng ice cream.

Sandali silang natahimik. "Alam mo, Vhal. Ang puso ng tao, kapag nasaktan, parang bata. Hindi naman nito kailangan ng alcohol agad, dahil matrautrauma lalo ang bata sa sakit ng idudulot nun. Ang kailangan ng bata, ice cream dahil nakakapaglighten up siya ng mood."

"Hindi bagay sayo, Jay" he just chuckled at hindi namamalayang napaparami na siya ng kain. "Teka, bawal sa'yo ang ice cream hindi ba?"

"Hindi naman masama ang minsan" ani Jader at patuloy pa rin sa pagkain.

"Gaano kadalas ang minsan?" Nagkatitigan silang magpinsan at nagtawanan sa huli.

Well, kung anong magic ang meron sa ice cream.. it kinda worked.

Pagkatapos nilang kumain ng ice cream,sandali silang nanatili sa loob ng kusina. Talking nonsense things hanggang sa..

"You want to talk about it?" Tanong ni Jader.

Oo naman, gustong gusto ni Vhal na mailabas ang nararamdaman pero hindi ganun kadali iyon eh. Not now that he heard her side.

"She thought that I chose my career over her, Jay" naalala na naman niya ang itsura ni Natalie ng mga oras na iyon.

"Iyon naman talaga ang dapat niyang isipin, hindi ba?" Nagkatitigan sila ni Jader. "You did it for her"

"Hindi ko alam, Jay. N-nagsisisi ako.." he said. "H-hindi ko dapat siya iniwan, h-hindi ko dapat siya pinabayaan" he murmured.

"But that's sacrifice, Vhal."

Umiling si Vhal. "I don't call it like that, I think it's selfishness" tumingin siya sa pinsan. "This is selfishness, Jay... I didn't give her the chance to choose for herself"

"I'm not a love expert but I think those things happened." Ani Jader. "Minsan akala natin alam natin ang makakabuti para sa taong mahal natin, when in fact, ang tanging makakaalam lang ng makakabuti para sa kanya ay siya mismo."

Unsaid SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon