Chapter VIII

3.7K 113 2
                                    

CHAPTER EIGHT

NAABUTAN ni Vhal si Natalie na nasa may gazebo bar at nakasuot ng black bikini top at white-laced shorts. 

May sinusulat ito sa isang planner at may kausap sa telephono.

"Erwin, just give me more time at makukuha ko rin yung laban na.." napalingon si Natalie sa kanya. "I'll just call you later" pagkuwa'y binaba nito ang cellphone.

"Ang aga-aga mainit ang ulo mo" tumabi siya rito at nakita ang isang tasang kape, aba marunong na pala itong uminom ng kape.

Natalie's not a coffee person, mas gusto nito ang mainit gatas o tsokolate but coffee, err.. nah.

"So, when did you learn to drink coffee?" Tanong nito na nakakunot pa rin ang noo, ano kayang pinagkakaabalahan nito?

Napasinghap si Natalie ng bigla niyang kunin ang planner. "Hey, give it back!"

But he didn't listen, sa halip binasa niya ang mga nakasulat doon. "At kailan ka pa naging pakilamero?" Sambit naman nito sabay hatak pabalik ng planner.

Napangalumbaba ito sa counter at tinignan siya ng masinsinan. "What?" Mataray na tanong ni Natalie.

Ngumisi naman Vhal "Nothing".

Umiling na lang si Natalie at pagkuwa'y nailang na sa mga titig ni Vhal sa kanya. "Will you stop that? Para kang baliw!"

Vhal chuckled with her reaction. "I just find you so adorable, parang noong highschool lang. Ganyan ka rin kasungit sa akin noon"

Iyon ang hindi niya maintindihan noon, madaming nagkakagusto sa kanya pero itong si Natalie ay walang pakialam kung nageexist ba siya o hindi.

"Oh, so you're going back on the memory lane?" Nakataas ang isang kilay ni Natalie. "Let me remind you na ikaw ang pinakabwisit na tao noong highschool tayo!" Asik nito.

"But then, it didn't stopped you to love me" natahimik si Natalie tila napipe. "Am I right, Natalie?"

Napabuntong hininga si Natalie at umiwas na lang ng tingin. "Can you please just leave? Wala ako sa mood makipagaway sayo"

"Ikaw lang naman ang nangaaway, I came here for peace" pagkuwa'y maamo niyang nginitian ito. "Inaano ka ba ni Erwin?" Patutsada niya.

Iyon kasi ang narinig niya kanina, sino ito at bakit sila magkausap?

Selos lang, Vhal?

"He's my manager" napamasahe ito sa sentido. "Madami siyang binago sa schedule ko at.." napatigil ito't napasubsob na lang sa mga bisig.

Lumapit si Vhal sa kanya "Hey, it's okay.." he patted her hair, like before. "I'm sure maayos mo iyan"

Napaupo ng maayos si Natalie. "Don't touch me"

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa kanilang dalawa.

Ano, Vhal? Tameme ka na lang? Akala ko ba babawiin mo siya, eh nakatunganga ka lang diyan?

Napakamot siya sa batok, bakit ba parang naputalan siya ng dila?

"Uhmm, Natalie?" Hindi siya nito tinignan. "Naikot mo na ba ang Nueva Castillo? Gusto mo bang samahan kita--"

"No" putol nito sa kanya. "Mga babae mo na lang ang ayain mo, Vhal. Huwag ako"

Akmang magsasalita na siya ay biglang nagring naman cellphone ni Natalie.

Pambihira, ang taray naman ni Honey!

"Oh,Jake!" Napakunot ang noo niya, ito na naman si Babe! Da F. "Yeah, sure. Kanina pa kita inaantay na tumawag, I'm so bored here"

Unsaid SacrificeWhere stories live. Discover now