Chapter IX

3.5K 111 2
                                    

CHAPTER NINE

"Congratulations, Hon! You were so great out there. Grabe, kung nakita mo lang yung reaksyon ng mga tao sa drift mo! Oh my, ang galing galing mo talaga!" Her arms were wrapped around him as she poured kisses all over his face.

She was so proud of him!

"Hon!" He was giggling, he loves how she does that. "Are you happy?" Tanong niya rito.

"Of course" sagot naman ni Natalie. Sino bang hindi sasaya? He just won, he's now close on reaching his dreams at masaya siya para sa nobyo. "I'm happy because you're almost there"

Hinalikan siya nito sa tungki ng ilong. "I love your smile, I'll do whatever it takes to make you smile like that again" he lovingly looked at her.

"Really?"

"Really" hinalikan siya ng buong tamis nito at napuno ng masayang tawanan ang buong paligid.

"SHIT!" Napahampas si Natalie sa manibela nang maunahan siya ni Vhal sa finish line. Damn, she was taking the lead!

Siguradong sigurado na siya kanina na mauunahan niya ito pero... fuck!

Napangiwi si Natalie, she's really not a cursing person pero nakakaloko ang mga nangyari! Pinagkakaisahan ba siya ng pagkakataon?

Nakangising lumabas si Vhal ng sasakyan at lumakad ito papunta sa sasakyan niya. Aba't napakayabang talaga ng loko!

Napayukom ang mga palad ni Natalie, baka hindi siya makapagpigil!

Kinatok ni Vhal ang salamin ng sasakyan niya, kasabay ng pagtanggal nito ng aviator shades ay binaba niya ang salamin.

"So, date tayo?" He bit his lower lip to contain his laughter.

"Neknek mo!" Sigaw ni Natalie rito, lumalabas talaga ang immaturity niya kapag si Vhal ang nangiinis.

"Oh, so hindi ka na sasali sa next round!" Napakunot ang noo ni Natalie, tumalikod na si Vhal at babalik na sa sasakyan.

"Damn" she hissed. "Vhal, sandali!" Bumaba siya sa sasakyan at hinabol ito.

"Vhal!" Tumigil ito at lumingon sa kanya na tila walang expresyon ang mukha. "Hindi ako pwedeng magbackout"

"A bet is a bet, Natalie. You gave me your word." Now he is using his goddamn angelic voice, yung tipong hindi ka makakahindi. "There's no turning back"

~¤~¤~

"WAKE UP, sleepy head! We're here" Nakakunot ang noo ni Natalie nang magising. "C'mon!"

Bumaba ng pickup truck si Natalie at nakita niyang nakaset up na ang mga gamit nila. "Akala ko ba kakain lang tayo?"

"Oo nga, kakain lang tayo" pagkuwa'y pilyong ngumiti. "Bakit may iba ka bang isusuggest?"

Natalie rolled her eyes, she knew that look. "Huwag ako, Valerian" narinig niyang tumawa ito pagkatalikod niya.

"Gusto mo magswimming? Maganda ang tubig, masarap din sa balat"

"Ayoko, wala akong dalang pamalit" sagot niya. Hindi naman kasi sinabi ni Vhal na maliligo sila sa dagat, sana man lang nakapagdala siya ng panligo.

"Hindi mo naman kailangan ng damit--" tinignan niya ito ng masama. "Ang ibig kong sabihin, hindi mo kailangan ng damit pampalit dahil may panligo naman akong baon diyan"

She crossed her arms. "Vhal, will you stop that?" Naiirita na siya, malapit na! Kaunting-kaunti na lang!

"What? Wala naman akong ginagawa, ah!" And gave his batang-nahuling-kumukuha-ng-candy-sa-tindahan-pero-hindi-umaamin look.

Unsaid SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon