Chapter 3: Love to Fight For

247K 4.2K 369
                                    

Chapter 3: Love to Fight For

After two months...

"LOVE IS always worth fighting for."

            Napailing-iling ang tatlong kaibigan ni Eunice na sina Rizza, Syrel, at Lorraine. Kasalukuyan silang nasa garden ng bahay ng uncle Johnny niya. Pagkatapos ng dalawang buwang pagwawaldas ng pera at pagbabakasyon kung saan-saan, nakaisip si Eunice ng paraan upang mapasakanya si Terrence.

            Ipaglalaban niya ang pag-ibig niya rito. And Rachelle would be out of the picture very soon!

            "What? You don't believe it?" tanong ni Eunice sa mga ito.

            "Eunice, there's no love to fight for in the first place," ani Rizza.

            "Tama si Rizza, Eunice," pagsegunda pa ni Syrel. "And you can't just plan na paghiwalayin ang dalawang taong nagmamahalan just so you can get what you want."

            "You're being selfish," dagdag pa ulit ni Rizza.

            Nagsalubong ang mga kilay ni Eunice. "So, what? Hindi niyo 'ko tutulungan sa plano ko?" naiinis na sabi niya. Mabusisi niyang plinano ang mga dapat gawin para maagaw niya si Terrence at hindi niya kayang gawing mag-isa iyon. But from the reaction she's getting from her friends, mukhang kailangan niyang magbago ng plano. "Akala ko ba mga kaibigan ko kayo? Why can't you help and support me?"

            "Dahil mga kaibigan mo kami," matatag na sabi ni Syrel. "Ayaw naming mas lalo kang masaktan, Eunice. Okay, sabihin na nating maagaw mo si Terrence. Sa tingin mo ba sasaya siya sa'yo?"

            "Matututunan niya rin akong mahalin! I'm not that hard to love!" determinadong sabi niya. Sa oras na mapaghiwalay niya sina Terrence at Rachelle, she'll try everything para malipat ang atensiyon ni Terrence sa kanya.

            Napailing-iling sina Rizza at Syrel.

            "Girls, madali lang naman ang gagawin natin. Ide-degrade lang natin ang confidence ni Rachelle na mahal talaga siya ni Terrence. Magse-set up tayo ng mga scenes na puwedeng sumuporta sa mga puwede kong sabihin kay Rachelle. Kailangan mag-away sila ni Terrence. Kapag nawala ang trust ni Rachelle kay Terrence, magkakalabuan sila, at madali na lang natin mase-set up si Terrence into sleeping with me and then-"

            "Can you hear yourself, Eunice?!" biglang malakas na sabi ni Lorraine sabay tayo mula sa kinauupuan nito. Kanina pa ito tahimik at ngayon lang ito kumibo. "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Mukha kang desperada na parang nauubusan ka ng lalaki! Why do you have to hurt Rachelle? Bakit kailangan mong agawin si Terrence? Kasi mahal mo? Kaya ipaglalaban mo?!"

            "Lorraine..."

            "That's bullshit, Eunice! Love is always worth fighting for, oo! But in your case, it's not love! Natsa-challenge ka lang kay Terrence! Because he's everything you want but you can never have. Hindi ka sanay na hindi nabibigay sa'yo ang mga gusto mo. You're selfish! Patutunayan mo lang sa mga kaklase natin noong high school that you're a spoiled, rotten, bratty bitch!" sigaw na nito.

            Hurt from her friend's words, nanggigil na tumayo rin si Eunice at tinapatan ito. "I don't care kung anong isipin ng ibang tao! I don't care if I sound so desperate! I want Terrence! I love him! And I'll do anything just to get him! Kahit makatapak ako ng ibang tao gagawin ko para lang makuha ko si Terrence!" she snapped. "He's the one I've been wishing for my whole life. 'Yung taong makapagbibigay sa'kin ulit ng kahulugan ng love!"

            "Eunice, matagal nang may nagbibigay sa'yo ng meaning na hinahanap mo pero ikaw ang may problema! Dahil tatanggapin mo lang kung ano ang gusto mo! Kami ba, hindi ka ba namin mahal? We're friends! Best of friends! Can't you find the meaning of love in our friendship?"

Love at its Best (Love Series #1)Where stories live. Discover now