Chapter 6: Love to Pretend

241K 4.6K 331
                                    

Chapter 6: Love to Pretend

A year after...

EUNICE took off her original Gucci sunglasses pagkababa niya sa kotse ng kanyang uncle Johnny. Ang paborito niyang tiyuhin ang mismong sumundo sa kanya sa airport nang malaman nitong uuwi siya ng araw na iyon.

            Bumaba na rin sa kotse ang kanyang uncle Johnny at sinamahan siya sa pagpasok ng mansyon nito. As usual, she'll stay there habang nandito siya sa Pilipinas.

           Agad na lumabas mula sa loob ang mga maids ng uncle niya at saka pinagtulungan na ibaba ang mga gamit niya.

            "Uncle, thank you ulit sa pagsundo sa'kin. I bothered you so much na siguro," aniya rito habang papasok sila sa loob ng mansyon.

            "Hija, hindi ka isang abala sa'kin. Actually, I missed you kaya excited din ako na masundo ka sa airport," masayang sabi sa kanya ng uncle niya. "Isa pa, aalis din kasi ako kinabukasan para asikasuhin ang isa ko pang negosyo sa States. Isang buwan din akong mawawala. And by the time siguro na pauwi na 'ko rito ay pabalik ka naman na ng Paris. Parang hindi rin tayo nagkita."

            She sweetly hugged her uncle. "Thank you, Uncle Johnny. I miss you na rin. So much! I'll join you for lunch and dinner later. I have so many stories to tell you! Hindi ka naman papasok sa office ngayon 'di ba?" she excitedly said.

            "Yes. Okay, hihintayin na lang kita for lunch later. Umakyat ka na sa kuwarto mo para makapagpahinga ka pa. I know you had a long flight."

            "Thanks, Uncle!" Kinintilan niya ito ng halik sa pisngi bago umakyat sa kanyang sariling kuwarto sa mansyon nito.

            "By the way, congratulations, Eunice," pahabol nito.

            Nasa hagdanan na siya nang lingunin niya ito at nginitian. "Thanks, Uncle! Don't worry, nawala na ang tampo ko sa hindi mo pagpunta sa graduation ko," she joked. Dalawang buwan na ang nakalilipas magmula nang makapagtapos siya ng kursong Fashion Designing sa Paris.

            Natawa ito. "I know, I know. I'll make it up to you, for sure. But good thing that Eugene was able to come."

            "Yeah," bored na sagot niya at saka nagpatuloy na sa pagpanhik.

            Nakapunta nga ang kapatid niya noong graduation. That was a big surprise for her because she never expected that her big brother could leave their company and join her in that special day. Kahit pa hindi sila magkasundong magkapatid, naging masaya si Eunice ng araw na iyon. But then, nagmamadali namang umalis ang kapatid niya pagkatapos mismo ng ceremony. Hindi man lang sila nakakain sa labas. Basta binati lang siya nito at binigyan ng flowers at gifts, then he left. At the end, mga kaklase niya lang din ang kasama niyang nag-celebrate.

            Pagpasok niya sa sariling kuwarto ay agad siyang nagpalit ng mas komportableng damit. Then, she threw herself on the bed. Malapit na sana siyang makatulog nang tumunog ang cellphone niya.

            "Bonjour, ma cherie," bati mula sa kabilang linya.

            Napangiti si Eunice. "Hello, Geoff," bati niya rito.

            "Sigurado nasa Pilipinas ka na. How's the flight?" pagkukumusta nito.

            "Tiring," sagot niya at saka napapikit. "Nagpapahinga na nga ako ngayon."

            "Good, good. After two weeks siguro, uuwi rin ako diyan sa Pilipinas. My lola wants me to visit her there," anito.

            "Wow! Magkikita rin pala tayo rito," aniya. "Balitaan mo na lang ako kapag nandito ka na sa Pilipinas, okay? May susundo na ba sa'yo sa airport?"

Love at its Best (Love Series #1)Where stories live. Discover now