Chapter 24: Love Endures All Things

212K 3.7K 206
                                    

Chapter 24: Love Endures All Things

"...love holds fast to people it loves. It perseveres. It never gives up on anyone. Love won't stop loving, even in the face of rejection. Love takes action to shake up an intolerable situation." –Keith Krell

***

"HEY, CUPCAKE."

            Sinalubong ng yakap ni Eunice ang kapatid. "Hi, Kuya Eugene," pagkuwa'y humalik sa pisngi nito. "It's been a while."

            Binisita niya ito ngayon sa dati nilang bahay dahil nalaman niyang nakauwi na pala ito kung saang bansa man ito pumunta para sa isang business conference.

            "Our company's expanding kaya wala ako lagi sa Pilipinas," paliwanag nito. Inakbayan siya nito habang papalabas sila ng bahay.

            Papunta sila ngayon sa ospital dahil gustong dalawin ng kapatid niya si Terrence.

            "Ikaw talaga, Kuya, palaki nga nang palaki ang kompanya pero wala ka namang pagmamanahan niyon," tukso niya rito. Her brother is already on his early thirties pero wala pa rin itong seryosong girlfriend na puwede nitong pakasalan. Paano naman kaya ito makakabuo ng sariling pamilya.

            "Sino naman may sabi sa'yo?" nakangising sabi nito

            Napasinghap siya. "You mean, may anak ka na, Kuya? Oh, my gosh!"

            He laughed. "Malay natin." Nagkibit-balikat ito. "Imagine the girls I've dated..."

            "And slept with," dugtong niya pa habang iniikot ang mga mata.

            Ginulo nito ang buhok niya. "I'm a bachelor, Eunice."

            Napalabi siya. "It's not a reason to continue sleeping with different girls. You must respect them, Kuya. Remember, I'm a sister here," munting paalala niya sa kapatid.

            Napabuntong-hininga ito habang pinagbubukas siya ng pinto ng kotse nito. "I'm getting serious now, Eunice. Pero masyado lang talaga akong abala sa kompanya," sabi pa nito bago sinara ang pintuan ng kotse.

            Mabilis itong nakasakay sa driver's seat.

            "Why not take a break?" she suggested as they hit the road. "After all the hard works you put in Daddy and Mommy's company? You deserved it, Kuya!"

            Mabagal at sakto lang ang pagpapatakbo ng kapatid sa kotse. Hindi naman siya na-trauma na sumakay ng kotse dahil sa nangyaring aksidente sa kanya nang nakalipas na isang buwan ngunit maingat ang kapatid niya upang hindi siya matakot. Somehow she's afraid now on fast cars.

            "Pero, hindi ko puwede iwanan ang kompanya."

            She rolled her eyeballs. "As if naman na babagsak ang kompanya kapag iniwan mo lang ng isang linggo o isang buwan?"

            "Sabagay," tumatangu-tangong wika nito. "I'll think of that. Thank you, cupcake," nakangiti pang sabi nito.

            Nginitian niya rin ang kapatid. Since his brother took over their family's company, he was so dedicated and passionate on running it and successfully continued their father's legacy.

            "May itatanong ako sa'yo, Kuya," aniya sa kapatid.

            Napasulyap ito sa kanya habang nagmamaneho. "And that is?"

Love at its Best (Love Series #1)Where stories live. Discover now