Chapter 14: The Ex-boyfriend, First kiss, and Bestfriend

228K 4.1K 425
                                    

Chapter 14: The Ex-boyfriend, First Kiss, and Bestfriend

NAUNANG nagising si Eunice kay Terrence. Pagmulat pa lang ng mga mata niya ay agad siyang napangiti nang maalala ang hinandang night picnic ni Terrence kagabi. Para raw sa 15th month anniversary nila. 

            Hindi niya akalaing mag-aabala ito nang ganoon. Whether it's true or part of their pretension, it didn't matter to her at all. Tinitigan ni Eunice ang nahihimbing na asawa. She planned to kiss him when he moved. Mukhang magigising na ito kaya naman pinikit agad ni Eunice ang mga mata at saka nagtulug-tulugan.

            Naramdaman niya ang paggalaw ng kama at maya-maya pa ay niyakap na siya nito sa baywang. Sinadya niya namang magsumiksik sa matipunong dibdib nito. Eunice was just starting to enjoy Terrence's warmth when somebody knocked on the door.

            "Sir Terrence?" tawag ni Mang Emman mula sa labas.

            Bakit ba laging nasa "right" timing 'tong si Mang Emman? Naisip na lang ni Eunice. Naramdaman niya ang paglayo ni Terrence at ang pagbangon nito. Nanatili siyang nagtulug-tulugan.

            "Bakit po, Mang Emman?" she heard Terrence sleepily asked.

            "Sir, may bisita po si Ma'am," sagot ni Mang Emman na ikinakunot ng noo ni Eunice.

            May bisita siya nang ganoon kaaga?

            "Mga kaibigan niya ba?" tanong pa ni Terrence.

            "Si Geoff Martin daw po."

            Napamulat agad ng mga mata si Eunice nang marinig ang pangalan ng kaibigan. Mabilis siyang napabangon. "Si Geoff? Nandito si Geoff?"

            Gulat na napalingon sa kanya si Terrence. "Gising ka na pala."

            "Oh my gosh!" bulalas niya nang maalala kung anong araw ngayon. Ngayon nga pala ang uwi ni Geoff sa Pilipinas. Nag-promise siya na susunduin ito sa airport pero di niya nagawa. Agad siyang bumaba ng kama at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

            "Eunice!" tawag pa sa kanya ni Terrence pero hindi niya na napansin.

            Tuluy-tuloy siya sa pagbaba ng hagdan hanggang sa makita niya si Geoff sa sala na umiinom ng kape.

            "Geoff!" masaya niyang untag dito.

            Napangiti ito nang malapad nang makita siya. Ngiting laging tinitilian ng mga kababaihan sa Paris. "Cherie!" tawag nito sa endearment nito sa kanya. Tumayo ito mula sa kinauupuan at sinugod siya ng yakap. "I missed you so much!"

            Hahalikan sana siya nito sa mga labi ngunit lumayo siya. "Geoff! You can't do it here. Nasa Pilipinas tayo. Friends don't kiss friends on the lips," natatawang saway niya rito.

            "Oh, I almost forgot! Je suis désolé," hinging paumanhin nito.

            "Well, ako rin dapat mag-sorry sa'yo. Hindi na kita nasundo sa airport. I forgot na ngayon pala 'yung dating mo," nakalabing paliwanag niya rito.

            "It's fine. I can't contact you yesterday so I assumed that you can't make it. Anyway, I got a nice cab and I went to your uncle's house to see you.  But the maids told me that you are here..." Nilibot nito ang tingin sa buong bahay. "...in your husband's house," he intriguingly looked at her.

            Napangiwi siya. "Kukuwentuhan na lang kita mamaya," mahinang wika niya rito. Ang alam kasi nito ay kaya nga siya umuwi ng Pilipinas ay para asikasuhin ang annulment nila ni Terrence pagkatapos ay malalaman nitong nakatira siya sa bahay ng asawa? Magtataka talaga ito.

Love at its Best (Love Series #1)Where stories live. Discover now