Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs

241K 4.1K 208
                                    

Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs

"Love doesn't keep a tally of wrongs and bear a grudge until every one is paid for. It doesn't try to gain the upper hand by reminding the other person of past wrongs. Love forgives." ~Bible.org

***

"KUYA EUGENE!"

Nilingon si Eunice ng kapatid at nginitian siya nito. "Hi, cupcake."

Binitiwan niya ang mga laruan at saka lumapit rito. "Kuya, hindi ka na aalis? Hindi mo na 'ko iiwan?" sunud-sunod na tanong niya rito. Sana hindi na umalis ang kuya niya. Kasi wala na siyang nakakalaro sa bahay at saka laging si Yaya Mae na lang niya ang katabi sa pagtulog.

She missed her big brother so much.

Kuya Eugene hugged her. "How are you, Eunice? Nagpapakabait ka ba kay Yaya Mae at saka kay Uncle?"

She giggled. "Yaya always says that I'm 'pilya'. What's 'pilya', Kuya?"

He patted her head. "Playful. You're playful."

"Kuya, sabi ni Yaya, graduate na daw ako ng Prep! Grade 1 na daw ako sa pasukan," pagkukuwento pa ni Eunice. "Tapos ka na ba mag-aral sa States? Graduate ka na rin ba?"

Umiling ito. "Matagal pa ga-graduate si Kuya, eh."

Napasimangot siya. "Iiwan mo ulit ako? Babalik ka pa dun, eh."

"Eunice-"

She pushed him away. "Bakit ka pa umuwi? You're going away din pala."

Inabot siya ng kuya niya pero tumakbo siya palayo rito. "I hate you! I hate you! Go back to States na lang. Doon ka na lang forever! Iwan mo na lang ako forever!" naiiyak na sigaw niya at saka pumunta sa kuwarto niya.

Nang unang umalis ang kuya niya, lagi siyang umiiyak hanggang sa makatulog siya. Hinihintay niya laging bumalik ito. And now he's here, iiwan din pala siya ulit. Bakit hindi na lang dito nag-college ang kuya Eugene niya? Bakit kailangan sa malayo pa?

Years passed and little Eunice grown into a beautiful teen-chick. Katatapos lang ng high school graduation nila nang umuwi ulit ang kuya Eugene niya. Now, he's really going to stay but Eunice and Eugene had grown apart through the years. Suddenly, they were strangers to each other.

Ngunit sumubok naman si Eunice na makipaglapit muli sa kapatid niya. Afterall, mananatili na ito sa Pilipinas dahil oras na raw para pamunuan nito ang kompanya ng pamilya nila. But then, mismong kapatid niya ang naglayo sa kanya mula rito.

"Gustong kunin ng Auntie Nicola mo si Eunice para sa Paris na mag-aral."

Napahinto si Eunice sa pagbaba ng hagdan nang marinig niya ang boses ng uncle Johnny niya. Nakabukas pala ang pinto ng library-slash-study room nila sa mansyon. Kausap nito ang kuya Eugene niya.

"I heard Eunice is into fashion designing. Magaganda ang fashion schools sa Paris. Tell Auntie Nicola that Eunice is going," sabi pa ng kapatid niya.

Napakunot-noo si Eunice at dahan-dahang lumapit sa kuwarto. Nagtago siya sa likod ng pintuan.

"Ang tanong, papayag ba si Eunice na pumunta ng Paris?"

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon