Finale Chapter - Chapter 25: This is Love

208K 4K 336
                                    

Chapter 25: This is Love

"Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas." 

– 1 Corinto 13: 4-7

***

PAGKARATING ni Eunice sa ospital ay pinauwi niya na ang mga biyenan para ang mga ito naman ang makapagpahinga. Babalik na lang daw ang mga ito bukas ulit ng umaga. Nang makaalis na ang mga ito ay hinalikan niya si Terrence sa pisngi nito.

            "Hi, baby," bati niya rito at saka umupo sa upuan na nasa tabi ng higaan nito. Hinawakan niya ang kamay nito. "You know, I finally found the answer to my question since I was a kid," she excitedly told him.

            "It's just the Lord I need all along so that I can feel the completeness in me. Sana... matutunan kong mas kilalanin Siya. So that, I will also know more about love," she said while looking at him. Nilagay niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. His hands were warm. "Naisip ko, Terrence, na siguro kailangang mangyari ito para mas tumibay ang paniniwala ko sa Kanya. Siguro, nandito tayo ngayon para malaman ko na Siya lang pala ang sagot sa mga tanong ko."

            She sighed and smiled. "Sorry, Terrence, kapag minsan, nawawalan na 'ko ng pag-asa na magigising ka. Minsan nakakalimutan ko pang magdasal na itinuro mo sa'kin. Maghihintay pa rin ako hanggang sa magising ka." Tumayo muli siya at idinantay ang noo sa noo nito. She closed her eyes. "We don't need another lifetime so that we can experience the best love, Terrence. Because everyday with you is already love at its best –whether you're awake or still sleeping right now."

            Napahugot siya ng malalim na hininga. "Fight for us. Please, wake up."

            Idinampi niya ang kamay sa tapat ng puso nito. "But, if..." Napalunok siya. "If God wants you to g-go...Please... come with Him. I'll be a-alright," pumiyok siya sa mga huling salita. "I'm still hoping and keeping the perseverance. But either you wake up or g-go... I know it will be for the best."

            Pumatak ang luha sa isa niyang mata. "I asked for a miracle. And God gave it... He changed my heart for love. Ngayon ko lang naintindihan na ang mga taong nagpa-realize sa'kin ng tungkol sa love ay hindi lang basta mga taong nakilala at nakausap ko, accidentally. It's His plan, all along."

            Dahan-dahan siyang lumayo rito at idinilat ang mga mata. "I love you, Terrence. Hindi na kita pipiliting g-gumising... Because I know, God will make you rise if it is His will."

            Umupo na muli siya sa upuan sa tabi at saka saktong tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bag niya at sa paghugot niya niyon ay may nahulog na isang papel. Pinulot niya ang papel at naalalang sulat pala iyon ni Rachelle para sa kanya na nakalimutan na niyang basahin. Matagal na sa kanya ang sulat na iyon pero kung hindi pa nahulog ay hindi niya pa maaalala.

            Tumigil na sa pagtunog ang phone niya. Alarm clock lang pala. Itinabi niya na ang phone at saka niya binuksan ang sulat.

❤❤❤

EUNICE,

            Hindi ko alam kung bakit ko ito sinusulat pero hindi ako matahimik hanggang sa hindi ako nakakagawa ng sulat para sa'yo. Hindi ko alam kung makakarating ba sa'yo 'to o kung mabibigyan mo ng oras para basahin ito. Pero kung nababasa mo na ito, maraming maraming salamat.

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon