Malaya

244 7 0
                                    

Sa saliw ng musika ng paglimot pilit kitang inaalala
Baka posibleng magsawa sa ideya ng ikaw
Para naman tuluyan ng bumitaw
Hayaan ang sariling mabuhay ng walang ikaw
Ng maging malaya na balang araw

Pero paano nga ba makalimot kung araw-araw kitang naalala, inaalala?
Paano ako makalaya sa sakit kung laging nadarama ang tamis ng iyong halik?
Paano ko bibitawan ang nakaraan kung parati ko itong binabalikan?
Paano ba kita makakalimutan?

Magkikita tayong muli
Mabubuhay lahat ng pag-asa
Pag-asang babalikan mo ako't hahagkan
Yayakapin at patatahanin
Umaasa kahit imposible na

Kahit ilang ulit pa tayong pagbigyan ng pagkakataon
Alam kong hindi mo na ako muling mamahalin
Ang nakaraan na ay mananatiling ng tapos
Hanggang sa makatagpo ng panibagong simula

Pero paano ako magsisimula
Kung sa bawat paglingon ko, ikaw ang nakikita ko?
Kung sa mga lugar na dinarayo ko, ikaw ang naaalala ko?
Paano kita makakalimutan kung sa bawat pagmulat ikaw ang nakikita ko?

Siguro nga hindi ganun kadali ang makalimot
Kung madali lang, mayroon na sanang manual
May sagot na sana sa tanong na where do brokenhearts go?
Sana alam ko na kung saan ako lulugar
Ng tuluyan na kitang makalimutan

Sana pero hindi talaga
Hindi madali ang palayain ka
Hindi madaling makalimutan ka
Hindi madaling tumigil na mahalin ka

Mangangarap na lang ako na mayroon pang tayo
Ng sa ganun ay kaya ko pang ngumiti sa kabila ng sakit
Lumaban kahit wala ng ipinaglalaban
Kahit tuluyan ng sinukuan

Lalaban na lang ako mag-isa
Hindi para sa atin kundi para sa akin
Ako naman dahil ako na lang talaga
Mag-isa at patuloy pa ring nagdurusa

Hindi ko na hihintayin na tayo'y muling magkita
Dahil ngayon pa lang, alam ko ng dapat na kitang pakawalan
Hindi ka na akin para angkin
Pag-aari ka na ng mundo
At posibleng maging pag-aari ng iba

Sa huling pagkakataon, muli kong bubuhayin lahat ng tungkol sa'tin
Lahat ng ala-alang binuo nating dalawa
Lahat ng ngiting hindi na muling maipipinta ng magkasama
Lahat ng pagmamahal na tuluyan ng nalusaw
Lahat ng 'to ay babalikan ko
Hanggang sa makalimutan ko na lahat ng tungkol sa'yo

PagtakasWhere stories live. Discover now