Sa'yo

132 6 0
                                    

Maraming bagay ang patungkol sa'yo
Maraming kwentong pinagsaluhan tayo
Pero marami ring mga ala-alang hindi kasama ako
Pero isa sa mga nakasaksi nito

Magsimula tayo sa kasalukuyan hanggang sa mabalikan natin ang nakaraan
Ating sariwain ang mga tinginan na hatid ay tawanan
Mga pasikretong kwentuhan na magdamagan
Ang mga kalokohang sabay nating tinatago sa'yong mga magulang

Simulan natin sa'yong ngiti na nagbibigay kinang
Sa iyong mga matang parang tala sa kalangitan
At kapag ibinuka mo na ang iyong bibig
Mapapakinggan ang tawa na laging nakakahawa
Laging ginagaya dahil dulot nito'y kaunting saya

Ang iyong mga salita dulot ay kaunting ginhawa
Kaunting pagkamangha
Kaunting mahika't pagkatuwa

Kakaiba ka
May mga bagay na ikaw lang ang nakakapag isip
Ikaw lang ang nakakapansin
Kaya bigla mo na lang tatawanan
Totoo, nakakabaliw ka

Ang iyong ngiti, ang iyong tawa
Lahat ng bagay na nagpapaalala sa amin kung sino ka
Lahat ng mga ala-alang kasama ka
Parating nagbibigay saya

Makasaysayan ka
Maaaring hindi para sa iba
Pero sami'y nagmamarka ka
Mahalagang bahagi ka
Sa mga taong sayo'y nagpapahalaga
Sa mga taong piniling manatili kaysa lisanin ka
Mga taong patuloy pinapatatag at binubuo kung sino ka

Ilang pahina na rin ang iyong binuksan
Para sa hinahangad mong kinabukasan
Ilang kwento na rin ang tinapos mo sa tawa
Kahit minsan sa'yo ito'y nakakasakit na

Matatag ka
Hindi man nakikita nila
Pero ang bakas ng mga luha sa'yong mukha
Ang nagsisilbing palatandaan ng iyong pakikipaglaban
Ng iyong pakikidigma sa lahat ng hirap sa buhay

Hindi mo kailangan sumuong sa digmaan
Hindi mo kailangang patunayan ang sarili sa lipunan
Para ipakita na kaya mong lumaban
Hayaan mo rin ang sariling maging mahina
At paminsan-minsa'y lumuha

Hayaan mong sa'yo ay may umalalay
Kami naman ang aagapay
Sa mga pagkakataong gusto mo ng sumuko sa laban ng buhay
Tulong ang aming iyaalay

Sumadal ka samin hangga't gusto mo
Lumuha ka hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman mo
Magmahal ka hanggang sa mapunan lahat ng sakit na dulot nito
At lumaban ka kapag kaya mo na

Hindi man ikaw ang hinahangad ng iba
Pero tandaan mong sa ami'y sapat ka na
Ikaw lang ang hinahangad kaya't hindi ka na papakawalan pa
Hindi na pababayaan pa

Sana ang ngiti iyong mukha ay hindi maging bakas na sa kalauna'y mawawala
Sana'y manatili at patuloy na masaksihan ito
Hindi pa dito nagtatapos ang iyong kwento
Simula pa lang ito ng bagong pahinang bubuksan mo

PagtakasWhere stories live. Discover now