Byahe

123 3 0
                                    

Ilang beses
Ilang ulit
Sinusuyod bawat lansangan
Bawat kalyeng posibleng daanan
Nakakabagot ang maghintay
Nakakawala ng buhay

Ilang oras pa ba bago kita masilayan?
Parang napakatagal ng pag-usad
Napakabagal ng takbo ng orasan
Naiipit sa gitna ng mga pribado't pampublikong sasakyan
Aksidenteng nagkakatinginan
Inililibo't ang tingin sa paligid
Baka may pamilyar na mukhang masilayan

Kailan ba uusad itong trapiko?
Nakailang balik na ako rito
Pero hindi ito ganito
Hindi katulad ng nakaraang pagbisita ko rito

Bawat oras bumibigat
Yaong kaba kapag ang isa'y nasa bingit ng kamatayan na
Hindi alam kung ilang minuto na lang
Bago pumalya ang makinang nakakabit sa kanya
Tanging bumubuhay sa pasyenteng maya't maya ay baka magpaalam na
Kapag hindi pa nakalusot sa trapiko itong ambulansya

Bawat minuto bumabagal
Nagpapaigsi ng pasensya
Patuloy na bumibusina
Baka sakaling umusad na
May aksidente, sa wala
Abot hanggang bukas ang paghihintay
Paano na lang ang mga nakaplanong usapan?
Huli na sa pagdating da dating tagpuan

Bawat segundo tumatagal
Bawat paggalaw ng mga kamay sa orasan parang inaabot ng habang buhay
Napakatagal
Hindi mo na kakayaning maghintay
Parang byaheng Bicol-Maynila
Buong gabi kang nakatunganga
Umaasang sana'y malapit na ang iyong pagbaba

Makakabisado na ang mga salita sa mga pader na isa-isa kong nadaanan
Kahit na inabot ng kay tagal
Mga bahay na masusing inobserbahan kung pundasyon ba ay matibay
Sa bawat pagtigil nitong sinasakyan
Nasuri't napag-aralan na rin lahat ng pasaherong matiyagang nakatayo't nakaupo
Bagot na bagot at init na init na sa kumpulan ng tao sa loob ng bus

Kailan ba matatapos ang byaheng ito?
Bukod sa gusto na kitang makita
Gusto ko na ring matapos itong bulok na sistema
Parati na lang pumapalya
Kailan ba matatawag itong bayan na masagana
Kung pati trapiko hindi kaagad maresolba?

PagtakasWhere stories live. Discover now