Bago ang Tagumpay

10 1 0
                                    

Hindi isa. Hindi dalawa.
Hindi rin tatlo ang hakbang
patungo sa tagumpay, iyan ang ituturo ng mundo pagtungtong mo sa kolehiyo.
Panibagong yugto ng pagkamulat.
Kamalayan sa tunay na lagay ng lipunan, sa pabago-bagong takbo ng mundo, at maging sa liko-likong daan patungo sa pangarap na inaasam.

Unang araw. Unang salang.
Kaba ay nananalaytay sa sistema.
Magkakahiwalay na upuan.
Magkakaibang indibidwal.
Iisang pakay.
Iisang pangarap.
Iisang titulo.
Inhinyero.

Dito sa apat na sulok ng klasrum nagsisimula ang paghasa, ang paglinang ng kaalaman at kakayahan, at ang pag-unawa sa mundong ginagalawan.
Dito nag-uugat iba't-ibang kwento ng pakikibaka.
Bago maabot ng mga kamay mo ang minimithing titulo, dito mo dapat matagpuan ang sarili mo.
Sa mga silyang niluma na ng panahon.
Sa harap blackboard na naging saksi sa mga hirap ng bawat estudyante.
Maging sa mga bintanang minsan kang dinala sa ibang mundo nang pasamantala mong matakasan ang problemang ibinibigay ng propesor mo.
At sa mismong pinto nito na magbubukas ng napakaraming oportunidad para sa kinabukasan mo.

Magulo ang mundo paglabas mo sa kolehiyo.
Gugulatin ka pa rin nito kahit anong paghahanda mo.
Maraming digmaan ang kakaharapin mo.
Mga dagok at kabiguang hindi agad lilisan sa tabi mo.
Kaya bago ka sumalang sa realidad ng buhay matutunan mo sana ang tunay na sangkap sa tagumpay.

Ibalik mo ang sarili sa loob ng silid aralan, sa lugar na ugat ng pagkatuto hanggang sa mapagtanto mo.
Hindi lahat ng matutunan mo ay maaalala mo.
Hindi lahat ng ituturo sa'yo ay habang buhay na kakabisahin mo.
Walang katuparan sa daang tuwiran.
Dadalhin ka lang nito sa kabiguan.
Bago ka malugmok sa pagtalo, bigyan mong daan ang pagbabago.
Pagbabago patungo sa kahusayan dahil ang tunay na tagumpay ay ang makamit ang angking galing sa piniling larangan.
Wala maigsing proseso sa pagkatuto.
Hindi nabibili ang titulong inhinyero.

Bigyan mo ng panahon ang sarili.
Hasain ang utak at kakayahan.
Kahusayan ang layunin ng pag-aaral.
Ang maging magaling ay ang maintidihan ang bawat konseptong umiikot sa industriyang iyong paglalagyan.

Totoo na nagsisimula ang pagbabago sa sarili ngunit may gampanin din ang paaralan sa mga mag-aaral nitong nasasakupan.
Bilang kaisa sa mga kabataang pag-asa nitong bayan, may karapatan ka sa pagmamahal, pag-aaruga at tiwala ng institusyong naghahanda sa'yo mundo.
Tungkulin ng bawat unibersidad na hubugin at imulat ka sa katotohanan.
Gayundin, ang maging motibasyon upang pagbuklurin kayo tungo sa matagumpay na kinabukasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagtakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon