Tagu-taguan

139 7 1
                                    

Pambata
Pero siniseryoso ng matatanda
Laging umastang parang bata
Painosente kapag nahuli

Tara, tayo'y magtaguan
Sana hindi matuklasan

Magtatago hangga't pwede
Tatakbo ng di mabisto
Nagpapalit anyo sa iyong pagtalikod
Lahat ng dumi ay idadaan na lang paghihilod

Anong saya ang sa kanila nito'y dinadala?
Nakakaubos ng ganda sa'yo na naghihintay sa pag-uwi nya
Kumakayod para sa pamilya ang akala
Pero iba naman ang tinatrabaho niya

Pagalingan lang ng estratehiya
Paramihan ng bagsak sa kama
Hanggang sa magsawa't maghanap ng iba
Titino pa ba? Baka hindi na

Kung hindi man
May iilan pa ring kayang pagbigyan ang kasinungalingan
Patawarin kahit pilit nakikipagtaguan
Tanggapin ng umuwi na sa tahanan

Kahit paulit-ulit
Kahit nakakasakit
Pilit pa ring inuulit
Kahit pigilan mong lumapit

Sa larong tagu-taguan
Talo ka kung hindi mo mahanap ang kalaban
Pero mas talo ka kung natagpuan mo na
Pinili mong magbulag-bulagan

Huwag mo ng asahang magtitino
Kung hindi ka kikibo
Asahan mo na ang sakit
At hapdi nitong kakabit

Kung kaya niyang magpainosente na parang bata
Subukan mo rin maging bata
Hindi magdadalawang isip kung siya ay mahuli
Huwag umastang inosente
Iligtas mo ang iyong sarili

Huwag mo ng ipaglaban
Kung paulit ulit ka lang tatalikuran
At siyang pagtataguan
Pakawalan mo na
At igawad ang kaulang parusa

Tagu-taguan
Laro lang dapat ng bata
Hindi para sa matatanda
Nakakasira ng tiwala
Baka buhay mo ay mawala

PagtakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon