Part 1

21.2K 303 37
                                    


MALAPAD NA ANG NGITI ni Taranee nang salubungin niya ng bati ang amo na kapapasok lang sa naturang coffeeshop. "Annyeong haseyo, Sir Chris!"

Nag-angat ito ng tingin mula sa binabasa nitong diyaryo at ngumiti sa kanya. "Oh. Annyeong, Tara-ssi. How are you doing?"

"I'm very good, Sir. Especially now that I see you."

"Sir, ako rin. I'm very good," singit ng kasamahan niyang si Gerry.

Itinulak niya si Gary para hindi humarang sa magandang tanawin sa harapan niya sa katauhan ng kanilang amo. "Istorbo ka."

Tumawa lang si Chris. "Its good to know that my best employees were doing good this morning. By the way, has our vegetable supplies arrived?"

"Yes, Sir. We already stocked it up in the kitchen."

"Arasso. Thank you and...fighting!" Itinaas pa nito ang kamao saka tatawa-tawang dumiretso na sa opisina nito.

"Ang guwapong Koreano talaga niyang Sir Chris, 'no? Kaya hindi nakakapagod magtrabaho rito sa Hanoel, eh," wika ni Gerry.

Eksaherado niya itong sinimangutan. "Linya ko iyan. At may girlfriend ka na kaya ipaubaya mo na sa akin ang kaguwapuhan ni Sir Chris."

"Bayaran mo ang pag-ibig ko."

"O, eto, singko. Pambili ng kausap."

"Okay. Akin na iyan."

Pinalo niya ito sa braso saka itinulak sa puwesto nito sa harapan ng espresso machine dahil may dumating silang customer. Mabuti na lang talaga at silang dalawa lang ni Gerry ang empleyado sa pag-aaring coffeeshop ni Sir Chris dahil kung hindi, baka madagdagan ang sakit ng ulo niya. Lalo na kung magiging karibal pa niya.

"Pabili nga."

Nabitin sa ere ang ngiti at pagbati ni Tara nang marinig ang sinabing iyon ng customer. Pinigilan niya ang magkaroon ng kahit na anong reaksyon sa mukha nang makita ang lalaking nakatayo sa harap ng bar counter at nakatingala sa menu nilang naka-display sa itaas at likurang bahagi ng bar.

Ano daw? Pabili? Ano kami, sari-sari store?

"Good morning, Sir," masigla pa rin niyang bati rito. Kahit ano pa, customer pa rin ito. "Ano po ang order nila?"

"Ah..." He rubbed his eyes with his long fingers like he just woke up from sleep.

Muntik na siyang mapangiti sa lalaki. Mukha talaga itong hinila lang ng kung sino na bumangon para bumili ng kung ano sa tindahan. Kaya siguro tipong sari-sari store lang ang turing nito sa coffeeshop nila. Nevertheless, the guy looked fine. Medyo magulo ang buhok na tila sinuklay lang sa pamamagitan ng mga daliri, may kakapalan na rin ang bigote at balbas nito ngunit bagay pa rin na tingnan dito. 'Yun bang tipo ng mga artist kuno na nakakalimutan ng mag-ahit dahil sa pagkahumaling sa kanilang mga artworks. Sa kaso ng lalaking ito, mukhang tinatamad lang talaga sa proper grooming. Lukot-lukot din ang suot nitong t-shirt na tila pinaglumaan na ng panahon, although mukha pa rin namang malinis. Iyon nga lang, masyado na yata talaga iyong luma at durog na sa kuskos-laba dahil lumaylay na iyon sa isang balikat nito. Kahit ang cargo pants nito ay mukhang nadampot lang nito sa isang tambak ng relief goods, at kita na ang mga natastas na sinulid sa laylayan niyon.

"Sir, mukhang wala pa kayo sa wisyo, ah," biro niya.

"Medyo nga." Muli itong nagkusot ng mga mata. "Bigyan mo na lang ako pinakamatapang ninyong kape."

"Baka gusto ninyong dagdaga ng tinapay o cake, Sir?"

"Libre ba?"

"Ho? E..."

The Unexpected You (COMPLETE)Where stories live. Discover now